Pilay ni baby

2 months old palang ang lo ko. Ngayon my sinat sya. Sabi ng byenan ko pahilot ko daw kase my pilay. Sabi nman ng nanay ko hindi pa daw napipiliyan ang bata kase sobrang baby pa. Help me po mga mommies di ko alam sino susundin ko. My sipon din kase sya kahapon lang.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Malamang ang sipon ang dahilan bakit may sinat si baby. Fever is also a sign of infection. Di po pwede hilutin or i-massage ang may fever kase lalong mag spread ang germs or virus sa katawan nya. Di sya makakatulong. Lalong matagal ang recovery. And specially di po advisable na hilutin si baby. Lalo sya mapasama. Sa edad nyang yan di sya basta napipilayan lalo na flexible pa ang buto nila. Imagine 9 mos sya sa tiyan mo na nakapulupot ang katawan nya kase flexible pa ang bone nila. Pacheck up mo agad. Kawawa lang si baby pag pinatagal nyo at marely sa traditional style.

Magbasa pa

Momsh pls lang wag mo ipahilot yung anak mo baka mapuruhan pa yan. Dapat sana ierase na yan na old mindset ksi dangerous po yan. Doctor ako pag pilay pinoprotect namin yun muna tsaka Xray or anything kelangan. Kung galawin man yan, para irelocate, kelangan muna sya iexamine. Dapat professional ang mag galaw sa baby mo para sure. Punta ka sa pedia about that. Mas prone mapilayan ang baby dahil mas malambot buto nila.

Magbasa pa
TapFluencer

Hilot is not advisable for infants. Since napakalambot pa ng lahat ng parte ng katawan nila including bones, maaaring magcause ng injury kay baby. Consult your pedia if necessary. Traditional way of medication often lead to accidents. Imbes na mapabuti si baby lalo lang pong napapasama. 🙂

pwedeng pilay momsh ipahilot mo lang sa magaan ang kamay as in dahan2 lang ang paghilot may kamay kasing mabigat at magaan diba para safe pa din si baby tsaka sa sipon pag grabe na need mona ipa check up pag mild lang naman pwede naman siguro paarawan mo lang mi para mailabas lahat ng sipon.

pacheck up mo po sa Pefia to make sure. mas mdali tlagang mahwa ang newborn esp 0-3 months. Also pwd din pilay kasi baka mali pagbuhat.

pwede po magkapilay baby pag mali ang pag buhat. malalaman mo po pag may pilay pag binubuhat nyo sya umiiyak po sya

Pag may sakit si baby si pedia lagi ang puntahan at hindi kung sinu sinu na manghihilot.

VIP Member

Better go na sa pedia, mumsh. If walang budget, libre lang tayo sa center..

padedehin mo lang sya sayo mommy mawala agad yan.. wag mo pahilot kc baby pa sya..

2y ago

Mix feeding po kase baby ko. Nagwowork na po kase ulit ako. 🥺

always consult a doctor pag may sakit or sinat po para safe si baby.