D&C and Miscarriage

2 months, nawalan ng heartbeat ang baby ko. Mag-4 months na tsaka lang namin nalaman... Friday na-D&C ako, okay naman pakiramdam ko. Nag-stop agad yung bleeding, so akala namin okay na. After 5 days (Wednesday) dinugo ulit ako. So akala ko, magkakaroon lang ako. Madaling araw ng Thursday, sumakit ang puson ko. Sa pag-aakalang dahil nagkaroon ako kaya masakit puson ko, binalewala namin ng asawa ko. Habang lumilipas ang oras, patindi nang patindi yung sakit at parang every 2 mins kung sumakit. Sobrang sakit. Parang 10 times ng dysmenorrhea. Binalewala pa rin namin kasi akala namin nagkaroon lang ako. Pero sobrang sakit talaga, napapasigaw ako sa sakit. Sinusuntok ko na yung pader sa sobrang sakit. 5 am, talagang hindi ko na matiis kaya nagpadala na ako sa pinakamalapit na hospital para magpasaksak ng pain reliever. Kapag kasi nagddysmenorrhea ako, nagpapasaksak ako ng pain reliever, yun lang kasi ako tumatalab sakin. Yung mga iniinom na pain reliever, walang epekto sakin. Noong nasa hospital na kami, nagmamakaawa na ako na saksakan na dahil sobrang masakit talaga. After ko masaksakan, mga ilang minuto, hindi nawala ang sakit, nagtataka ako bakit di rin ako tinablan ng pain reliever, samantalang dati kapag ganun, nawawala na ang sakit... Tuloy pa rin ang sakit, tinext ko na ang OB ko and sabi dalhin na ako sa hospital kung saan ako nagpapa-check up. Medyo malayo pa yung hospital na yun kaya di ako nagpadala dun para magpasaksak ng pain reliever. Masakit na kasi talaga kaya di ko na kayang maghintay at bumyahe pa... Hindi talaga nawala ang sakit kaya sinunod ko na lang ang OB ko na pumunta sa hospital na pinagpapa-check up-an ko, sabi ko sa sarili ko tiisin ko na lang yung byahe kasi wala na rin akong choice. Pinaupo na ako sa wheelchair para ihatid sa parking area. Pagtayo ko para sumakay ng sasakyan, may lumabas sa akin na sa tingin ko buong dugo. Ngayon ko lang naranasan na may lumabas sa akin na ganun. Tapos nawala ang sakit. Di ko pa matignan kung ano yun kasi may iba kaming kasama, so ang sabi ko uwi na lang muna kasi kaya ko naman na, nawala na yung sakit and mabigat sa napkin yung lumabas sakin at puno na ng dugo ang pants ko.. Pagdating sa bahay, nakita ko yan. Hindi muna agad namin itinapon para maipakita sa OB yung picture. Pagdating sa hospital, sabi ng OB ko ay malaking buong dugo lang daw yun. So okay, inultrasound ako and okay naman, konti na lang natira. Pagdating namin ng bahay, chineck ko yung nakitang buong dugo na yun, nakita ko yung parang plastic at ginalaw ko, nakita ko yung baby. Hindi pala siya natanggal noong na-D&C ako.

30 Replies

Grabe momsh. Ano sabi ng OB mo? Kung tutuusin malaki yang pagkakamali niya sayo. Obligasyon niyang siguraduhin kapakanan mo. Kaya nga nag undergo ka ng D&C just to make sure na walang matira sa loob for your own sake tapos yung mismong target niya Hindi niya nagawa. Tsk! Kainis ganyan. Praying for your fast recovery mommy.

Grabe, pag na D&C ka, dapat pagkatapos walang kahit ano na matitira sa loob mo. Dapat hindi ka nila pinalabas ng ospital kung ganyan. Tama ibang mommy dito, mukhang walang alam ang OB mo. Bukod sa nalagay ka sa matinding pain na dapat naiwasan kung nasuction ng maayos loob mo, gastos din yan.

Ahay.. Parang na alala ko tuloy nangyari sakin last year. Same tayo sis. Wala dn heartbeat baby ko non at 2 months.. Pinainom at suppository ako gamot para mag bleed ako at d malason kasi patay na daw sa loob. Nag undergo dn ako D&C after lumabas dugo pati baby😢😢😢

magpalit npo kau ng OB d nya kau kayang alagaan ng tama...aq kahit nakapanganak ns mino-monitor nya pa din aq thru viber...nireresetahan nya aq khit na d nko magpunta ng clinic nya...salamat sa dra. q at d nya kme pinabayaan mag ina...lakasan mo loob mo sis...

TapFluencer

Ibig sabhin nian di magaling ung Ob mo Sis lumipat ka na kse yan lng simpleng D&C mo di nia nagawa ng tama pinahirapan ka ng sakit sa tyan mo,dapat nga yn after mo ma-d&c wala ng dugo na lumabas sau.Try ka ng ibng Ob Sis.

TapFluencer

😭😭 ako nga po napaparanoid ngayon kasi dko po maramdaman si baby although 4mos pa lang po ako nakakaramdaman ko na parang may gumagalaw sa tyan ko dati kasi active sya. Stress din kasi ako sa work ngayon. 😢

Ako din po 3 months wala rin naramdam ngwoworry ako kung ok lg ba c baby or anu..🙏🏻i just na sana ok lg sya sa loob

VIP Member

Nakakaiyak naman mamsh 😭 pakatatag ka po. My reason kung bakit nangyari sainyo to. My darating pang biyaya sainyo wag kayo mag alala😢

Tsk tsk! Hindi ka na D&C ng maayos sis! Mali yan. Na raspa naman ako noon pero hindi ako nilabasan ng ganyan kalaking dugo.

kea nga....ung OB nag D & C sau ndeh lahat nailabas sau....

Pwede nyo po demanda un OB kase pwede ka malason kung hindi lumabas yung baby. Hindi nya nagawa ng tama un D&C..

VIP Member

Naku mommy palitan mo na yung ob mo wala syang alam. Thankful ako sa dra. Ko kasi napakahands-on.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles