D&C and Miscarriage

2 months, nawalan ng heartbeat ang baby ko. Mag-4 months na tsaka lang namin nalaman... Friday na-D&C ako, okay naman pakiramdam ko. Nag-stop agad yung bleeding, so akala namin okay na. After 5 days (Wednesday) dinugo ulit ako. So akala ko, magkakaroon lang ako. Madaling araw ng Thursday, sumakit ang puson ko. Sa pag-aakalang dahil nagkaroon ako kaya masakit puson ko, binalewala namin ng asawa ko. Habang lumilipas ang oras, patindi nang patindi yung sakit at parang every 2 mins kung sumakit. Sobrang sakit. Parang 10 times ng dysmenorrhea. Binalewala pa rin namin kasi akala namin nagkaroon lang ako. Pero sobrang sakit talaga, napapasigaw ako sa sakit. Sinusuntok ko na yung pader sa sobrang sakit. 5 am, talagang hindi ko na matiis kaya nagpadala na ako sa pinakamalapit na hospital para magpasaksak ng pain reliever. Kapag kasi nagddysmenorrhea ako, nagpapasaksak ako ng pain reliever, yun lang kasi ako tumatalab sakin. Yung mga iniinom na pain reliever, walang epekto sakin. Noong nasa hospital na kami, nagmamakaawa na ako na saksakan na dahil sobrang masakit talaga. After ko masaksakan, mga ilang minuto, hindi nawala ang sakit, nagtataka ako bakit di rin ako tinablan ng pain reliever, samantalang dati kapag ganun, nawawala na ang sakit... Tuloy pa rin ang sakit, tinext ko na ang OB ko and sabi dalhin na ako sa hospital kung saan ako nagpapa-check up. Medyo malayo pa yung hospital na yun kaya di ako nagpadala dun para magpasaksak ng pain reliever. Masakit na kasi talaga kaya di ko na kayang maghintay at bumyahe pa... Hindi talaga nawala ang sakit kaya sinunod ko na lang ang OB ko na pumunta sa hospital na pinagpapa-check up-an ko, sabi ko sa sarili ko tiisin ko na lang yung byahe kasi wala na rin akong choice. Pinaupo na ako sa wheelchair para ihatid sa parking area. Pagtayo ko para sumakay ng sasakyan, may lumabas sa akin na sa tingin ko buong dugo. Ngayon ko lang naranasan na may lumabas sa akin na ganun. Tapos nawala ang sakit. Di ko pa matignan kung ano yun kasi may iba kaming kasama, so ang sabi ko uwi na lang muna kasi kaya ko naman na, nawala na yung sakit and mabigat sa napkin yung lumabas sakin at puno na ng dugo ang pants ko.. Pagdating sa bahay, nakita ko yan. Hindi muna agad namin itinapon para maipakita sa OB yung picture. Pagdating sa hospital, sabi ng OB ko ay malaking buong dugo lang daw yun. So okay, inultrasound ako and okay naman, konti na lang natira. Pagdating namin ng bahay, chineck ko yung nakitang buong dugo na yun, nakita ko yung parang plastic at ginalaw ko, nakita ko yung baby. Hindi pala siya natanggal noong na-D&C ako.

D&C and Miscarriage
30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po pasagot naman po ..im 2 months pregnant normal lang ba pag dinugo ka?..

5y ago

Punta napo kayo sa health center or sa pinakamalapit na hospital. Bleeding is not normal sa mga buntis. Yan din po kase sinabi saken ng doktor dati e.

Ang sakit sa puso basahin. Magpakatatag ka mommy. 😔

VIP Member

Ang sakut naman sa puso nyan. Pakatatag ka sis

Nakakalungkot naman.. pagpray mo nlng sis hays

OMG!! ang sakit sa puso makakita ng ganyan

Im so sorry for your loss sis. 😔

😢😢😢😢😥😥😥😥

Awwww 😭😭😭😭😭

anlungkot naman 😔

😭😭😭😭