Pwede pa bang tumaas milk supply?

2 months na si LO pero till now sobrang baba ng milk supply as in wala pang 1 oz. May pag asa pa kayang tumaas? Ano pwedeng gawin? FTM here. Salamat po

Pwede pa bang tumaas milk supply?
10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy! been there po on the first few weeks of my lo. umiiyak pa ako pag wala ako mapump. although iba kasi talaga ang output pag nakalatch si baby vs sa napump na milk. subukan nyo po na magsabaw. pero ako kahit na di sabaw basta dapat di ako magutom, narerefill ang mga dede ko. unli latch nyo din po si baby. ung kahit na di na sya nadede, parang vibrate na lang yung bibig nya sa inyo, actually parang mahinang pagsuck lang, wag nyo muna tatanggalin. habang nakasuck kasi sya sa nipple natin, un ang cue ng brain na magproduce lang ng magproduce ng gatas. wala po ako supplement na iniinom for lactation pero ngayon nakaka7oz na ako to i oz sa both breasts ko. try nyo din po ung magic 8 yata yun. effective daw pero di ko pa nasubukan. nauubusan kasi ako ng lakas sa padede at pump kaya twice a day lang ako makapump minsan once na lang.

Magbasa pa
VIP Member

Hi Miiiii! Gusto ko malaman paano breastfeeding nyo ni LO? Law of demand and supply Kasi Ang yield o production ng breastmilk natin. The more na naka-latch si Baby sa iyo, the more magpo-produce ng milk Ang breasts mo. Pag newborn Kasi 2-3 weeks dapat consistent Ang breastfeeding nyo ng 2-3 hours. kahit madaming araw at puyat ka or super Antok, kailangan mo tiisin dahil dyan mae-establish Ang milk supply mo.

Magbasa pa
2y ago

Pwedi yan gamitan mo ng syringe pra lumabas nipple mo then ilatch mo c baby then pag pumasok ulet yung nipple use again the syringe then ilatch balik c baby. Tyagaan mo lang and be consistent

mi try mopo kumaen lagi ng may sabaw umaga tanghali gabi yung may mga malunggay, yung tipong magsawa ka sa sabaw arawaraw. tas inom kapo ng milo, malunggay capsules, mga nakakahelp yan sa milk supply or bili kadin po nung M2 malunggay tea drink ung hinahalo sa kahet anong drinks. then unli latch po dapat din si baby para more more ang maproduce na gatas mo everyday. tyagaan lang po . dadami yan

Magbasa pa

kaya pa po yan. ganyan din po ako nung 1-2 months, sobrang hina. damihan lang po ang kain ng halaan na may sabaw o kahit anong sabaw na may malunggay, damihan ang pag inom ng tubig, nagte-take din ako ng natalac at lactation cookies. mother nurture coffee and M2 drink (sa Andoks meron) and unli-latch din kay baby. pump every 3-4 hours.

Magbasa pa

kain ka ng may sabaw mi, tapos inom ka din ng milk para sa nagpapadede. Malakas din makapag pa dami ng milk yun tulya. Ako dati, pinahilot tapos yun may sabaw sabaw tapos buko, niluto yung buko tapos may malunggay. nawala lang gatas ko nung nag pills na ako

Try mo po uminom ng malunggay capsule, mahina din po gatas ko nung 1st 2 weeks ko after manganak tas nagtry po ako magmalunggay capsule. 2 caps every morning lumakas po sya super effective po para sakin

ganyan din kaonti milk ko dati pero unli latch lang ginawa ko at uminom lang ako buds & blooms malunggay capsule 🤗 ayun dumami

Post reply image

try Mamalac, gatas po sya o kaya nsman Natalac capsule tas sbayan ng maligamgam na inumin at mainit na sabaw lagi

TapFluencer

kain ka sis mga may sabaw then unli latch pa dn ke baby.