how to get rid of this?

2 months na din ang quarantine .I gave birth during this pandemic. Walang trabaho si Mister, kulong sa bahay, limited na transpo I can't talk to my family. It all started after I gave birth last month. Puyat ako kay baby, every day need ko gumawa nang household chores syempre nakakapagod may 4 year old pa akong anak. Financially unstable kami, before I gave birth natapyasan na namin ang savings. Ngayon naprapraning na ako saan ko kukunin ang pang gastos lalo nung nalaman ko na di pa mag reresume ang work ni mister. Sinisisi ko sarili ko kasi nasa bahay lang ako walang income, mainit ang ulo ko palagi, lagi akong uhaw kahit kakainum ko lang nang tubig, narerelieve ako sa paliligo, at pag ngatngat nang yelo, nagpapalpitate tapos iiyak nalang ako bigla. Di ko yun pinapakita kay mister except dun sa mainit ang ulo ko.. Pag medyo nakakapansin siya na wala ako sa mood Nag shishift ako nang emosyon para akong timang dinadaan ko nalang sa tawa para di siya mag alala.. Minsan nahuli niya akong umiiyak nag alibi nalang ako na masakit katawan ko ayun minasahe niya ako baka raw dala lang nung paglalaba ko.. Frustrated ako wala akong mapagsabihan. Gusto ko malaman if ako lang ba ang ganito. ? Normal pa ba ako? What are the ways para maiwasan ko ang ganitong mindset.. Dito ako nag post kesa dun sa FB at Twt. Baka kasi pag nalaman nang ibang tao na nagkakaganito ako instead na advice ang makuha ko ibalita pa akong nabaliw na..Di ko naman balak magpasikat kaya nga Anonymous post ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maybe you're having PPD? Or too stressed ka sa mga nangyayari. It's reasonable naman given that you just gave birth recently and this is a hard time. Have you tried talking to someone about this? Maybe heart-to-heart talk with your husband can help.