2kls lang si baby

2 kilos lang si baby nung nilabas ko. Maliit siya kumpara sa iba. Breast feed mom here. Any reco para mas mag gain ng weight si baby. 2 weeks old plang siya today.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

nag exclusive breastfeeding ako for 1 month. with discussion with pedia and hubby, nagpa mixed feeding nako kay baby after 1 month dahil nahihinder ng medication ko ung milk supply ko. ang nakakapag gain ng weight sa breastmilk ay ung hind milk. ung milk na nasa padulo na. kaya tagalan ang pagpapadede sa isang breast para makuha ang hind milk. kahit nasa low percentile ang weight ni baby, maganda ang height nia kaya hindi nagwoworry ang pedia. continue pa rin ako sa breastfeeding with formula. dahil importante ang antibodies from breastmilk. nakahabol sia ng weight nung nagstart na sia magsolid food.

Magbasa pa