EvePrim Effectiveness
2 days ago nalaman nmin ng asawa ko na wala ng heartbeat ang baby sa loob ng tummy ko. Sarado pa daw po ang cervix ko kaya hindi pa ako mai-raspa. Binigyan kami ng doctor ng 2 options. 1. Meron daw sila ibibigay na gamot sa akin na worth 2000 pesos para mag open ang cervix (walang gaurantee na after ng isang gamot ay magbukas na cervix ko) so may tendency na mas malaki ang gastos nmin habang naka confine ako at naghihintay. 2. Bibigyan ako ng Eveprim at yun ang ilalagay ko sa pwerta ko 4capsules every 4 hours sa bahay nmin. Second option ang pinili nmin ng hubby ko at sabi ng doctor anytime daw na duguin ako ng madami at may lumabas na buo buong parang meat ay bumalik ako agad sa hospital. Sa ngayon po nakailang application na ako pero konti pa lang dugo na lumalabas. Madami pong questions sa utak ko ngayon gaya ng: 1. Gaano katagal bago mag take effect ang eveprim at mag open ang cervix ko? 2. Gaano din katagal dapat na mag stay ang nabugok na fetus sa tiyan ko ? 3. Malalason po ba ako if ever na tumagal pa sya sa loob? Every 3 days daw pala kelangan ko magpa check sa hospital. Pasensya na po worried lang ako masyado.