Sana po wag nyo ko I judge😭

May 2 akong anak babae lalaki , panganay ko po is lalaki 6 years old and 2nd baby ko po is only 1 years old and 7 months . Tapos 1 month akong di nireregla kaya nag take ako ng mga iniinom na pwede akong reglahin tapos umabot Hanggang ngayong two months nag PT ako then nalaman ko na positive buntis po ako 😭.. natatakot ko Ako Kase almost 1 month na ko nainom ng pang pa regla wag nyo po sana ako ijudge natatakot po Kase akong masundan agad Ang 1 year old baby ko . Masyado na po akong stress Ngayon laging nasakit Ang tyan ko natatakot po ako sana ma advisan nyo po ako 😭.. salamat po sa mga makaka intindi...

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You're telling us not to judge. But you're also telling us that you're trying to abort a baby. And now you're asking for advice? hmmm hirap naman.... This kind of decision kasi is between partners and couples. Pinag-uusapan at pinaplanong mabuti. Seems like having babies nowadays is either ginagawang retirement plan parang may mag-aalaga pagtanda or trophies 😅🤔At easy nalang pumatay. 😔 Balik tayo sa concern mo... hmm ano ba klaseng advise na gusto mong marinig mii? To summarize your situation, you're pregnant and baby is unwanted (haist if lalabas tong baby na to may trauma na to). Plus you're having abdominal pain because of attempted abortion. And now you're scared!? As human beings and made in the likeness of God, kahit hindi pa namin sabihin and if you truly look inside of you, you know what's the right thing to do. You can have yourself check with doctor, tell her everything and ask if you're pregnancy is still good. On the otherhand, I don't have any advice on how to kill a baby. 'coz aside from i dont have background knowledge and experience, mas natatakot po ako sa Diyos and most of all, I would want to live my life in TRUTH and true nature of Human existence and that is to participate in God's calling in procreation. :)

Magbasa pa
2y ago

truth ako pagkapanganak ko palang nagpa Family planning nako kase ako talaga ayoko mabuntis ulit ayoko munang sundan kase alam ko yung hirap. nasa satin Naman pati yun matanda na tayo alam na natin Ang tama at mali

Mahirap nga po sitwasyon yan lalo ngayon, nagtaas na mga bilihin. Kaya inaadvice po sa ospital, center or lying in ang fam planning. Kahit po sana pills or calendar method po kayo kung ayaw nyo pa po masundan mga babies nyo. Pero kung pinagkaloob po sa inyo ng Diyos yan, tanggapin nyo po. Face your consequences ika nga. Sa susunod po maging wise na po tayo, fam planning po agad lalo na kung alam nyo pong sexually active po kayo ng asawa nyo. Magpatingin na ho kayo, wag na po hintaying lumala ang sitwasyon. Hindi po lahat ng tao dito sasang ayon sa ginawa nyo, ganun po talaga.

Magbasa pa

Be ready sa pwedeng maging kahinatnan ng actions mo my.. pwedeng di ka makunan at magkaroon ng abnormality ang baby mo dahil sa mga tinake mo..or pwede kang makunan.. sana po nagcheck po muna kayo ng PT before doing any harmful things..kasi common actions at thinking natin na kapag di tayo niregla lalo na nakipag sex tayo eh..mag-iisip muna tayo if buntis ba..diba po?.ngayon i strongly advice na magpacheck-up po kayo sa OB para malaman ang status ni baby kasi it could harm you both po..and hindi lang po kayo ang maaapektuhan kung sakali kundi ang buong family.

Magbasa pa

mi i can't say na sobrang naiintindihan kita kasi wala ako sa situation mo, siguro po ang masasabi ko nanjan na si baby eh if di pa po kau ready masundan si bunso sana po nag contraceptives po kau.. tsaka God's gift po ang mga baby.. hindi po lahat nabibiyayaan ng anak, i had a miscarriage on my 1st baby and it took 1 yr para mabuntis ako ulit. So accept mo na nanjan na si baby and what you need to do go to the doctor sabihin mo lahat para sa safety ni baby na rin..

Magbasa pa

Mii alam mo,dpat kinakausap mo din partner mo about sa issue na yan. Di lang ikaw dapat ang namomroblema. Sa ginagawa mo kase pwedeng masira o mamatay ang egg cell mo. Meron nman po pills,implant ganon din yun eh gagastos ka padin kakabili ng pamparegla. I am not judging you ha,worried lang ako na nai-stress ka dyan when in fact dapat Mister mo ang nagkokontrol at hindi ikaw.

Magbasa pa

Dapat nag family planning kayo. Ngayon nandyan na yan ituloy mo tignan mo nga kahit ang dami dami mo ininom di sya nalaglag. Harapin mo yang takot mo kasi ginawa nyo yan eh alam kong alam mo na pwede mangyari yung ganyan kaya panindigan nyo. Kasi kung ayaw mo talaga muna magbuntis sana nung una pa lang nagfamily planning na kayo. Alam nyo naman siguro yun.

Magbasa pa

sis naiintindihan kita pareho lang tayo ung panganay ko 5 yr old babae tapos ung sumunod mag 2yr old na sa April 22 tpos kakapanganak ko palang sa bunso ko Nung April 9 bali hnd ko Rin alam na buntis Pala Ako sa bunso uminom Pako Ng mga gamot nun and salamat sa dyos dahil walang masama Ng ayare sa bunso ko sobrang lusog nya Nung nilabas ko 4kilos Ang timbang nya

Magbasa pa
2y ago

talagang sobrang kapit ni baby Nung NASA tyan ko sya

No one has the right to judge you, buhay mo yan at sitwasyon mo yan. Kung palagi masakit tiyan mo, pacheck up ka na po baka ano na nangyari sa loob that may harm you and kung sakali may baby man. Stay strong!

VIP Member

Mag family planning ka after mo manganak, ngayon magpa consult ka sa ob then inform mo siya sa nagawa mo. 2 lang kasi pwedeng mangyari sa pinag bubuntis mo, pwedeng my side effects sa baby or ikaw ang magka side effects

my kung para sayo ang baby ay para sa iyo talaga iyan. may partner ka namsn kaya oks lang kundi kayo financially stable ay okay parin biyaya yan.. kung ayaw mo naman pala masundan ulit sana nsg pills ka

Related Articles