pamahiin need ba sundin?

1week and 3 days na po simula ng manganak ako totoo po ba na nakakatuyo ng milk kapag nakasando? Daming pamahiin dito samin halos di na din nila ako pakilusin para akong lumpo pati sa pagkarga ko sa baby ko sinasabi na wag daw sanayin sa karga pero based kay ob mas need nila ng kalinga ng ina since naninibago palang pati po pagkakain ako na buhat si baby kinukuha nila sakin kahit nadede first time mom po. any advise po

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

no naman. di totoo yung pamahiin na nakakatuyo ng milk pag nakasando. wala naman medical basis yun. matutuyo milk mo kung kulang ka sa sustansya at fluids at hindi mo pinapadede ang anak mo. yung sa karga listen to your ob. kailangan ng bata na kargahin dahil naninibago sa outside world. isipin mo, sanay ang anak mo sa loob mainit dun at parang yakap lang sya doon, tapos bigla sya lalabas dito naiba ang temperature ng paligid nya so iiyak sya. tapos di mo yayakapin. para siyang walang security. kapag naman po kakain na kayo ok lang na iba muna bumuhat para makakain kayo ng ayos. ingatan niyo lang po yung mga pamahiin na may pinapainom sa newborns. yan po ang napakadelikado.

Magbasa pa
3y ago

hehe check niyo lang po palagi ang sabi ng doctor. kayo pa rin po ang dapat masunod sa baby niyo. :)