Congenital Anomalies

#1stimemom #pregnancy #advicepls #theasianparentph Umalis kami kahapon para sa second ultrasound ni baby, at para malaman ang gender nya. Excited na kami ng asawa ko at ng mga kamag anak ko. Pero pag dating sa obgyn ultrasound, habang nakahiga ako at sinusuri ng doctor ang baby ko. Nawindang ako sa mga sinabi ni doc. Halos di ko naririnig sa shock at exctiment na makita si baby ko. Pinababa ako ni doc sa office nya at sinama ko na si mommy ko kasi iba na kutob ko. Habang pinapaliwanag ni doc ang sitwasyon ni baby sa amin, ako ay iyak ng iyak at di ako makapag salita sa lungkot. Kaya si mommy na ang kina usap ni doc. Naaawa ako sa baby ko. Lahat ng vitamins at gatas na kailangan kong inumin, ininom ko. Nag e-exercise naman ako.. pero bakit ang lumabas sa result ni baby ay hindi normal ang brain development nya (absent cerebellum) at may facial clefts sya. Sa totoo lang di ko alam gagawin ko. Please pray gor my baby girl. Na sana mahabol pa sa loob ng tatlong buwan nya pa sa tummy ko ang brain development nya at facial nya.. thank you

Congenital Anomalies
135 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

praying for you and your baby mommy .. tiwala lang po kay God☝☝☝❤❤❤

Pray ka lang po mommy!🙏🏼 walang imposible kay papa god.🙏🏼🙏🏼🙏🏼

4y ago

Salamat po sa mga dasal nyo. 🙏🏻🌻❤️

Tiwala lang kay Papa God magiging ok din lahat at pray ,pray ,pray 🙏🙏🙏

Prayers for you and your baby! Everything will be alright po! 🙏🏻

pray lang po magiging okay din c baby.. God is with you po and to your baby

VIP Member

Tiwala lang mommy, magiging ok din si baby. Praying din for you ❤

Praying for you and baby. Sana maging okay na sya. Pakatatag ka mommy

Bakit po ganun momshie nainuman nyo po ba sya ng gamot nung nagbuntis kayo??

4y ago

Hindi naman po. Kasi di po ako nainom ng gamot pag may nararamdaman ako. Pahinga lang at tubig ginagawa ko.

pray lang po ang ktpat nyan mommy manalig lang po kau sa knya

Praying for your baby momsh na maging ok sya ❤️