Congenital Anomalies

#1stimemom #pregnancy #advicepls #theasianparentph Umalis kami kahapon para sa second ultrasound ni baby, at para malaman ang gender nya. Excited na kami ng asawa ko at ng mga kamag anak ko. Pero pag dating sa obgyn ultrasound, habang nakahiga ako at sinusuri ng doctor ang baby ko. Nawindang ako sa mga sinabi ni doc. Halos di ko naririnig sa shock at exctiment na makita si baby ko. Pinababa ako ni doc sa office nya at sinama ko na si mommy ko kasi iba na kutob ko. Habang pinapaliwanag ni doc ang sitwasyon ni baby sa amin, ako ay iyak ng iyak at di ako makapag salita sa lungkot. Kaya si mommy na ang kina usap ni doc. Naaawa ako sa baby ko. Lahat ng vitamins at gatas na kailangan kong inumin, ininom ko. Nag e-exercise naman ako.. pero bakit ang lumabas sa result ni baby ay hindi normal ang brain development nya (absent cerebellum) at may facial clefts sya. Sa totoo lang di ko alam gagawin ko. Please pray gor my baby girl. Na sana mahabol pa sa loob ng tatlong buwan nya pa sa tummy ko ang brain development nya at facial nya.. thank you

Congenital Anomalies
135 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Praying for you and your little girl, prayers can do miracles and hoping by the time you give birth..everything's ok 🙏💗

4y ago

Opo thank you ate

VIP Member

prayers for you and your baby mamsh🙏🙏🙏 manalig lang po tayo na magiging ok ang lahat, hugsss 🤗

Pray ka lang mamsh, at sana kung ano man itsura ni baby paglabas nya sana di mag bago pagmamahal mo sa kanya. 🙏🏻

4y ago

Hindi po magbabago ang pagmamahal ko, gagawin ko po lahat para sa kanya 😢

Anong sabi ng doctor mo mommy? pwede pa raw ba madevelop? sana naman... pray lang tayo palagi para sa mga baby natin..

4y ago

May tatlong buwan pa daw po, ipag pray na lang daw po na sana ma-develop pa ang smile ni baby ko at yung brain nya.😢 pero naniniwala ako na si Papa Jesus lang po makakapagpagaling sa kanya. Thank you po sa prayers 😢🙏🏻🌻

Hi mommy try nio po pa 2nd opinion.. Pag pray ntin na mali ung unang reading ng ultrasound nio😇

4y ago

Salamat po. Isa na din po yan sa pinapanalangin ko na sana mali ang doctor. Salamat po sa prayers 🌻❤️🙏🏻

VIP Member

Keep on praying mommy, nararamdaman po ni baby yung emotions nyo. Magiging owkay din sya😊tiwala lang

God is good po pray lang po mommy🙏🙏🙏claim po natin na maging normal po ang lahat paglabas ni baby.

4y ago

Amen 🙏🏻 thank you po sa prayers

VIP Member

praying for you mommy. Ask for God's help with the intercession of St. Padre Pio and Blessed Carlo Acutis.

4y ago

Salamat po sa mga dasal nyo, makakatulong po sa pag galing ng baby ko 🌻🙏🏻❤️

VIP Member

Praying for you and your baby. Be strong.🙏🏻 everything will be alright soon. 🙏🏻❤️

4y ago

Salamat po. Opo naniniwala ako magiging okay din po ang baby ko 🌻🙏🏻❤️

Praying for your baby girl..Keep your faith with God https://youtu.be/83ZJhNMLhWE