28 Replies
Depende po sa clinic/hospital. Based sa experience and observation ko, mas mahal sa mga hospitals. Mas mahal din po yata 'pag OB-Sonologist 'yung nagco-conduct ng ultrasound. Pero may mga nakita rin ako na mura (below 1k) na clinics na OB-sonologist na 'yung nagu-ultrasound.
Lagi ka magpasobra ng budget ako sa totoo lang limot ko na magkano.. Basta lagi ka dapat may extra 2k pero mas mababa naman dyan presyo ng ultrasound.. Saka kung hindi mo alam presyo bakit di ka magtanong sa pagpapa ultrasound mo.
Base po sa mga napag tanungan ko, naka depende po talaga, Buti nalang po yung sakin lying in siya 250 po binabayaran ko kada check up dipa po kasama mga vitamins dun pero Ang maganda po dun kasama na ultrasound dun pero silip lang siya.
depende po kung saan ka pa ultrasound pwede ka po mag request kung saan ka po nagpapa check up tapos sasabihin po kung saan ka magpapa ultrasound mga nasa 500 lang po parang discounted na po
mas mura pag may request na galing sa ob or sa midwife sis... ako nun 600 nabayaran ko kc may request ako galing sa ob ko tas yung kapit bahay ko 800 naibayad nya kc wala syang request...
thank u sa mga sumgot..ngpaultrasound na ako buti na lang 800 lang nagastos ko..ok naman c baby kahit 40 years old na ako..sana lumaki cyang healthy 🥰🥰
sa health center po dyan sa lugar nyo mura lang po wala papong 500 ata sabi ng tita ko. sa clinic po ang bayad 900 pero depende po yun sa clinic.
Sa experience ko mas mahal sa hospitals ang range 1,5k to 3k. Sa clinic na malapit sa amin 580 lang. may 3D soft copy pa kami.
depende po sa clinic. Mag prepare ka po atleast 2k. Para may buffer in case may extra professional fee ung maguultrasound sau.
sa Lying in OB Gyn binayad ko 700pesos for ultrasound..pagTVS mas mahal nsa 1k plus ata..so yeah prepare ka 1k pataas
Analyn Petagara