Mommy kayo rin po ba nakakaranas ng pagiging sensitive lalo na or nagiging emotional lagi??

yes. tapos yung partner ko dinadagdagan pa nya emotional damage ko. dahil sya lang ang nagtatrabaho, iniintindi ko na lang din kase ano ba karapatan ko eh sya bumubuhay saming mag'ina. naiiyak ako kase wala akong pakinabang. gusto ko mag painless sa panganganak ko this coming april (advice din ng ob dahil VBAC ako sa 2nd ko and gusto ko ulit mag'normal sa 3rd ko) kaso dahil dagdag gastos ata yun, tiisin ko na lang daw i'natural. iraos ko daw i natural. akala ata nya parang tatae ka lang kung magsabi ng ganun. naawa ako sa sarili ko sana kayanin ko. gusto ko bumili ng gamit ng bby pero ang sabi nya saka na lang, eh ano susuotin ng bby ko paglabas nya? di naman sure kung magpoprovide ang hospital ng damit. mali pa ko ng pagkakasabi or mali ata ng pagkakaintindi nung sinabi kong pera ko naman yun (binigyan kase ako ng mother ko) ang sagot nya "eh ano naman kung pera mo? nagsasabi ba ko kapag pera ko ganito ganyan?" ito mga iniiyakan ko netong nakaraan.
Magbasa pa