regular ka na ba sa work mo? or like may mga leave credits ka ba?
sa akin kasi ang ginawa ko 28weeks nagleave na ko pero, since regular govt employee ako at may mga leave credits akong naipon (106days) yun ang ginamit ko at binigyan ako ni OB ng go signal din naagleave na since madalas din naninigas ang tyan pati sumasakit balakang ko (nurse kasi ako kaya ang tindi ng galawan sa hospital, di na kinakaya ng powers ko ang paglalakad ng 12hrs walang upuan halos. bakaraw mapaanak ako ng maaga). then yung 105days mat leave ko magstart lang ng count once nanganak na ako. going 37weeks na ako ngayon..in God's grace ๐
i suggest na ganun yung gawin mo kung may mga leave credits ka then saka mo iapply yung ML mo pag nanganak ka na. at dahil na rin may history ka rin ng preterm labor.
motto ko na kasi ngaying 2nd pregnancy ko ay "aanhin ko yung work ko kung health at safety ng anak ko naman ang mawawala" (mahirap mawalan ng anak,share ko lang, kasi ako nawalan na ko once at 8months sa tyan ko due to work at stress nun kaya di na ko umulit ngayon na work ang unahin dahil parang naghihinayang ako magleave ng maaga nun)
ngayon keri lang di baleng bawas ang sweldo, basta alam kong mailalabas ko ng buhay anak ko.
Magbasa pa