1st time mom ako and talaga naman naeexcite na ko haha. Natutuwa ako pag nararamdaman ko na sya na gumagalaw. Gusto ko na nga gumalaw sya ng mas malakas. Yung tipong makikita ko naeexpand yung tiyan ko 🥹 .
Ngayon, nakapag palinis na ko ng bahay. Magreready na for nesting. Mag aayos nadin ako ng mga damit na hindi na kasya sakin at matanggal na sa cabinet at dresser.
Nagstart na din ako magbrowse ng mga baru-baruan, mga bote, at mga tips para maparami yung gatas 🥰 . Excited na ko mamili ng gamit ni baby.
Checkup na ulit namin sa Oct12. 26w na kami by that time, masusure na lalo kung totoo bang baby girl si baby ❤️