APAS mommy+Incompetent cervix with cervical cerclage 4th pregnancy /24 weeks

1st MC 8 weeks D&C 2nd MC blighted ovum 8 weeks no heartbeat waited almost 1 1/2 month to pass naturally but ended up D&C with the help of laminaria 3rd MC 20 weeks baby premature, my baby angel 4th 24 weeks currently admitted dito sa Quirino Memorial Medical Center dahil naglabor na ako kahapon, dinugo na had to stay in Labor/Delivery room for 24 hours kasi nakacervical cerclage ako nung march 4, kung magtutuloy contractions need tanggalin may gamot pampastop ng contractions at iniinjeckan every 12 hours na steriods na gamot pampamatured ng lungs ni baby. Thankful nagstop contractions ,stable na vital signs namin ni baby. Okay ang cerclage pero under observation parin. Sobrang stressful na financially,emotionally,mentally,physically at spiritually. Since Nov nang nalaman na buntis ako after 1 year na pagpapaalaga nagleave na ako sa trabaho complete bed rest gumagamit lang bedpan. May support system salitan ang mother ko at mother ni hubby sa pagaasikaso, sa gabi si hubby after work. 1500 daily maintenance na gamot plus weekly 3000 para sa check up at ultrasound at cervical lenght assessment. 7 times na naER dahil sa mga bleeding, 3 times na admit sa hospital una nagbleeding 14 weeks 3 days nagstay kasi nagcocontractions na, 2nd had to undergo cervical cerclage at sobra umiksi cervix ko 22 weeks 2 days nagstay sa hospital at 3rd kahapon march 17 at hindi namin alam ilang araw dito at sobrang daming gastos said na said na ang perang inipon namin for this pregnancy kasi di namin akalain na sobra dami gagastusin.( Naggagamutan ako ngayon para pangstop ng contractions O paghihilan dinadaan sa swero at bumigay na kanang kamay na ugat ko namamaga sonbra at naka 4 dose narin ng steroids pampamatured ng lungs ni baby sobra sakit ang pagiinject kusang gumagalaw muscle ko sa braso pati ang nurse nagugulat ) Napapagod na ako, nababaliw na ata ako, grabe anxiety ko, grabe takot ko pero nilalaban namin para kay baby. Tumatanda na kami wala pa kaming anak. Napakawalang kwenta ng katawan ko hindi man lang kayang magbuntis ng normal. Nakakaguilty, nakakakonsensya napakahina ng katawan ko. Please pray for us na sana umabot man lang si baby hanggang 28 weeks (7 months) kasi 6 months palang siya(24weeks) ngayon hindi pa pwede hanggat maaari. Marami magiging problema :( Nakakalungkot kung sino ang gustong gustong magkaanak,readyng ready na magkaanak pahirapan bago makuha. May iba na pinagkalooban ng anak, smooth ang pregnancy walang problema pero pinapabayaan ang anak. NapakaUnfair ng mundo Pakiramdam ko wala akong kwentang asawa at ina kaya nangyayari to. Sa sobrang bait maalaga at understanding ng asawa ko lalo ako nakokonsensya kasi anak lang hindi ko maipagkaloob sa kanya :( Andito ako sa Quirino hospital pa need to stay in private room para sa close monitoring alam ko bagong gastusin nanamam to naaawa na ako sa asawa ko .

7 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles