βœ•

22 Replies

VIP Member

Di po talaga maiwasang maging malungkot lalo na pagkabuntis and magisa ka lang walang kausap feeling mo wala kang kakampi, walang nakikinig sayo, walang may pakialam sayo. Gusto mong magstress out pero di mo magawa at di mo alam kung paano at kung bakit. Iiiyak mo na lang. Napagdaanan ko din ito since nagpandemic. Nawalan ako ng trabaho then I got pregnant by 2020. Lagi pang nakakulong sa bahay dahil lock down. Buti na lang I have a partner in life na sobrang maintindihin at nakikinig sa mga rants ko. And lagi ako nananalangin kay Ama na sana di kami pabayaan sa kabila ng hirap ng buhay. Di biro ang mga napagdadanan natin momsh. Kung kinaya ko kakayanin mo din. Para sa 2 babies mo. Wag ka papatalo. Lagi mo lang po tatandaan ung magandang kinabukasan na nagiintay sa inyo para sa inyo ng pamilya mo. ❀❀❀

thank you po mommy god bless po sa inyo and family nyo po πŸ’“

I feel you mii. TBH. Single mom ako. Di ako pinanindigan ng tatay ng first baby ko. Then nakakilala ako ng bago. Na minahal ko din. Pero nabuntis lang din ulet ako. At iniwan. Depressed din ako at sobrang sama sa pakiramdam. Pero iniisip ko nalang na baka mga anak ko lang talaga ang para saken at hindi na taong mamahalin pa ako. Or magiging tatay ng mga anak ko. Second time is enough na siguro para saken. Masaya padin ako kahit naulit yung sitwasyon ko. Mahalaga mahal ko anak ko at magiging anak ko. Pakatatag mii. Laban lang para sa mga babies natin. Sila lang pagkuhaan natin ng lakas para mag patuloy sa buhay. Kaya mo yan mii.

πŸ˜”maraming salamat mommy mas May pinagdadaanan ka sakin pero still chinecheer up Moko mommy saludo ako sayo and thank you sa advice mo sakin yes mommy sa mga babies nalang natin tayo makontento πŸ˜”πŸ’“

TapFluencer

I feel you mommy! Me before mabuntis may anxiety and depression na ko. Until now na 7 mos na si LO. Pero POSITIVE in life kahit mahirap. Look for makakausap mo mommy. Importante mailabas mo lahat ng sama ng loob mo. Di maiiwasan talaga lalo na't preggy. Sensitive sa kahit anong bagay, biglang nag ooverthink. Hanap ka din ng pagkakalibangan mo. May mga bagay tayong pinagdadaan para mas maging strong pa tayo. Keep on praying lang. πŸ˜‡

salamat ng marami mommy yes po nadinig ni Lord prayers ko while crying niyakap po ako ng 1 year old boy ko na parang sinasabi na mommy everything will be ok πŸ’“πŸ˜”

VIP Member

Seek professional help sis. This might help. Always pray lang ikaw lagi. And lagi mong iisipin si baby na pinagbubuntis mo. There may be times na mahirap but always think on the positive side of your life. National Center For Mental Health Dial this numbers Luzon Wide Toll Free : 1553 Globe / TM Subscribers : 0966-351-4518 0917-899-8727 0917-899-USAP Smart / TNT / Sun Subscribers 0908-639-2672

thank you for this mommy πŸ’“

VIP Member

I feel you at ndi yan kulang sa pansin..need mo nang makaka usap at makaka intindi sa nrramdaman mo ngaun.my iba iba tlga tau pinag daanan habng buntis..maswerte na lng kapag my supportive partner and family para ma less ung lungkot depression,fear na nrramdaman natin.Kaya sana sis keep on praying na mawala yng naiisp mo..magiging maayos din Ang lahat kung Meron ka man pinag dadaanan

honestly mommy magkabukod kami ng boyfriend ko nasa partido pa din ako ng nanay ko since di kami kasal

mommy alam mo sayo humuhugot ng Lakas ang baby mo , nararamdaman nya nag nararamdaman mo , so hindi ka nag iisa! if you feel na nabibigatan ka sa anuman nararamdaman mo ngayon , kneel down and pray , cry to God! God Love's You and your baby .. Pinagkatiwalaan tayo ng Diyos ng isang buhay sa ating sinapupunan , we are blessed , YOU ARE BLESSED! CHEER UP.

yes mommy πŸ’“

whenever you feel lonely or may suicidal thoughts ka mag pray ka mommy makahelp yan, same tayo pinag dadaan sakin Malaki na baby ko but whenever may mga maisip ako or ma stressed ako husto na trigger Yung feeling ko na yan, si Lord lang talaga makahelp satin sa situations na ganto and aslo you should consider seeking professional help from a psychiatrist.

yes mommy salamat po sa advice and yes I'm trysting God po na hindi nya ko hahayaan gumawa ng mali lalo na sa mga anak ko πŸ’“πŸ˜” salamat po

Hi mommy, maybe you can put aome content po in your initial post. Madami po kasi lately na parang papansin and mga nagloloko lang dito na nagpopost kaya po yung ibang regular readers nattrigger. But I hope you and your partner talk and discuss things esp your emotional needs right now. If not, seek help from a professional. πŸ™

sorry mommy ngayon lang po kasi ako nag post ng ganto di ko po kasi masyadong ginagamit and di ko po alam na madaming nakakabasa honestly and I'm not posting this po para mag papansin di ko po inexpect na ganto kadami yung mag bibigay ng advices na mga mommies sakin and I'm thankful for that even though we're not related still May care pa po yung ibang tao kesa sa pamilya ko

Na dedepress din ako madalas pero pray lang po at piliin nyo maging positive, lahat naman malalagpasan e. Isipin nyo nalang si baby, di naman maiiwasan yung depression at stress ang mahalaga matutunan nating maging matibay sa lahat ng oras. Life is short mommy so ienjoy mo nalang kung anong meron ngayon. Godbless po! 😘❀

opo mommy god bless din po I'm trusting Lord na magiging mas matatag pa po ko sa inaakala ko πŸ’“

truth sisπŸ‘,,, ako pag nadedepress ako ng husto tinititigan ko nalang tlga ung anak ko para maisip ko na kelangan kong magpakatatag para saknila πŸ₯Ί,,, lalo ung bunso ko isang. taon kaming mahigit halos nasa hospital pabalik balik netong pandemicπŸ˜“,

☺️β™₯️β™₯️β™₯️

Trending na Tanong

Related Articles