Moisturizer for Preggy Belly ?

18 weeks pregnant and so far ito 'yung paborito kong gawin. Pahiran ng coconut oil 'yung tyan ko day and night. ? Ginagamit ko 'to as moisturizer sa tyan ko pati narin sa underarm. Hehe. Nakakatulong din siya na mag prevent ng stretch marks kasi habang nag i stretch 'yung balat natin sa tyan, nananatiling soft ang skin. Ginagawa niyo rin ba 'to? ? (Nature's Coco 100% Pure Virgin Coconut Oil po ang gamit ko. Binili ko sa Watsons. 199 pesos.)

Moisturizer for Preggy Belly ?
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Gaga wala sa nilalagay yan. Nasa lahi at skin elasticity mo yan kung magkaka kamot ka o hindi. 😅

5y ago

E bat ganun ung mga kaptid ko wla nmng stretch Mark bat ako meron si nanay wla rin.. Makagaga ka

Maamoy po ba to mommy? Nagtry kasi ako gumamit ng sunflower oil, di ko natagalan medyo ma-anta ang amoy.

5y ago

Yung natural na amoy ng langis ng niyog .. pero nawawala din naman ..

Ako kala ko Wala akong stretch mark 8months na tyan ko lumabas sa ilalim ng tummy 🤭🤭😩😩😩

5y ago

Pareho po tayo 😢

VIP Member

VCO and olive oil din recommend sakin para maiwasan yung stretchmarks sabi ng OB ko. 😊

sabi daw bawal ang oil kasi mainit daw sa katawn yan , ok lng daw s gabi bago mtulog

VIP Member

maganda ba sya sis kahit di kana buntis..2months na kasi baby ko pwde pa ba ko gumamit nyan

5y ago

Yes po. Kahit sino pwedeng gumamit nito kasi natural naman siya. Pwedeng pwede parin yan ilagay sa balat natin after pregnancy. Mabilis siya ma absorb ng balat. ☺️

Skinwhite papaya lotion pag morning, coconut oil pag gabi. So far no stretch mark..

Wla naman po kayang ipekto kay baby ang pagpahis ng virgin coconut oil during pregnancy?

5y ago

Thank you po mommy Da Ren. God bless you and your baby. 😊🙏❤

baby oil lang po gamit ko then sa underarm ko pero magttingin ako niyan sa watson

5y ago

hi po may pic.kapo ng VCO mag try po ako mag pabili thank u

wala din ako stretch mark sa tiyan sa gilig ng boobs meron hehehe