emotional.
16weeks pregnant here. FTM. 2 days ko ng hinahanap ang taho tapos di ko naabutan si manong. Tapos kaninang umaga ganon nanaman. Nalimutan akong tawagin ng asawa ko para makabili ng taho. Ewan ko pero yung frustration ko sa taho parang G na G ako. Naiyak talaga ako ng bongga tapos nagulat si hubby kasi umiyak ako ng dahil lang naman sa taho. ?? di naman ako ganito nung hindi ako buntis. Ayun, sinadya nya pa sa palengke ngayon at binilhan ako ng halagang 50 na taho may bonus pang prutas. ❤