535 Replies
yung bby ko nagkaganyan kagaya sa noo ung puti na matigas.. sabi sakin at nitry ko din baby oil sa cotton buds ipahid mo jan hanggang sa lumabot .. ung iba kusa matatanggal ung iba hindi pero momsh wag mo pilitin ha baka masaktan si baby basta lagyan mo sya kapag sa gabinor bago maligo para di mainit at banasin.. epek naman sya nawala sya within 1 week.. lagi mo na lang sya liguan gawa ng panahon kasi ngayon sobrang ibit at maalikabok din siguro yan.. kaya ayun.. pag sa gabi bago matulog warm water tas bulak punas mo mukha buong kanay at buong paa wag sa dibdib at likod pede din sa leeg at kilikili para mapreskuha si baby sa ngayon 5months na baby ko wala na ganyan ☺️❤️
Hindi lahat ng nakabuti para sa baby ng iba, e makakabuti para sa baby ng lahat. What if yung nakabuti para sa baby ng iba e makasama pala para sa baby mo, pwede mo ba sila sisihin? For me po, no. Kasi own choice mo padin po yun e, kung gagawin mo din ba yung ginawa nila or not. I'm not saying po na nag aadvised ng makakasama yung iba. I'm just saying po na, iba iba padin po kasi ng case ang mga tao. So, better padin po na mag seek ng help sa doctors, kasi kasama yan sa mga napag aralan nila and alam nila kung anong tamang gawin or gamot for that case. Hoping po na gumaling na agad si baby, kakaawa po kasi. 😔
Hindi yan herpes. Wag niyo pong takutin si mommy. Ang herpes isang area lang yun. Hindi kalat sa buong katawan. Ang herpes may blisters may tubig tubig sugat. Paliguan niyo siya araw araw. Minsan ang rashes normal reaction ng katawan ng baby newborn, from inside womb nanibago sa outside world. Magpalit lang kayo ng sabon wag lactacyd. Cetaphil baby wash and shampoo gamitin mo yung may glycerin. Then lotionan mo siya ng cetaphil lotion din para mamoisturize ang balat niya. Wag niyo pong puputukan at hahawak hawakan para hindi mag infect. Eventually maglalaho rin yan. Usually 2weeks.
Hahahahaha herpes yan. Check mo articles online 🤦
Paglabas nung baby ko may ganyan rin sya tapos sa mukha gang sa leeg. Sabi ng pedia nya need nyang makadede sa akin (breastfeed) para mawala yung puti-puti na parang tigyawat. Ginawa ko naman kahit konti lang lumalabas na gatas napansin ko naman unti unti ngang nawawala. Tapos nawala yung puti so red rashes nalang natira yung sabon naman sa damit ang pinabago nya. Ang ginamit namin noon ay johnson bar soap and mix feed kami pati gatas na powder milk pinapalitan yung light lang Enfamil Gentlease ang nereseta. Ayun awa ng diyos bago sya mag 1 month wala na lahat yun.
Ganito yung mga sinasabi na nakakainis, instead na pumunta sa pedia or hospital. Magtatanong muna dito kung anong dapat gawin sa kapwa mommies nila. Its your child, you should know what to do especially sa mga ganyan situation.. Nakita mo na super daming rashes yung baby mo, magtatanong ka pa sa ibang mommies. I know humihingi ka ng opinion, pero kung anong recommendations nila, doesnt mean na suit for you anf for your baby. No wonder kaya madami ng mga mommies ang naiinis dito sa app na to.
Tama grbe na unq muka nunq bqta
oh no😔 parang infected na rashes ni baby..ganyan din nangyari sa baby ko from birth to 1 month nya..allergy sabi nang pedia nya. since infected na rashes nang baby ko resita nya fucidin ointment apply lang very thin, then bago xa maligo massage virgin coconut oil 30 mins ang affected area. nawala nmn xa in few days, pro pabalik2 dn..nag pa second opinion ako other pedia same lang sabi, allergy. kung breastfeeding ka momsh iwas muna kain chicken, eggs.
Mukhang cradle cap/seborrheic dermatitis po Yan. Ganyan din sa pamangkin ko nagstart as baby acne hanggang sa nagprogress sa Parang flaky yellowish crust sa no at kilay pati anit. Pinalitan namin sabon nya to Cetaphil gentle cleanser. After basain yung mukha, dab mo lang Ng Cetaphil using clean cloth(Parang gasa) pero wag nyo po diinan then banlaw afterwards everyday. Pero Kung May budget ka, apply sebclair thinly lagay mo dun sa crust 2x day.
Pinaka magandang gawin mommy dalhin po sya sa doc nya para malaman niyo din kung ano dapat. Wala munang kiss kay baby lalo na dun sa mga may facial hair. Tapos mommy wag mag trial and error ng mga soap kasi kahit naklagay n pang baby yan pag wala pang 3 months si baby mas prone sa skin irritations si baby. Una po bating ikonsulta sa pedia kesa po sa kapwa nanay :) iba na ang sigurado kesa sa siguro.. Magkakaiba po ang mga babies natin.
Pa check up ka na po sa Pedia mommy. Ang instruction kasi ng pedia ng lo ko, wag sabunan ang mukha ng baby pag pinaliguan. Tapos mild lang sa katawan at ulo. Cetaphil yung sabon nya. Kaya pinupunasan ko lang ang mukha nya ng maliit na towel pag pinapaliguan ko sya. Tsaka wag mo masyado i pa kiss sa kasama mo dyan sa bahay mommy. Kahit nga ako, inaamoy ko lang bb ko at di talaga kinikiss. Masyado pa sila sensitive.
Mamsh much better ipa check up nyo napo.. Hindi po kasi lahat ng gamot na reseta ng pedia sa ibang mommy ay makasisiguro tayo na magiging effective din sa baby nyo kasi iba iba pong case yan.. Wag po kayo mang hinayang lalo na at para sa health ni baby, hindi din po natin alam if totoong hindi iniinda ni baby yan kc hindi naman po nila masasabi ano nararamdaman nila kaya please ipa check up nyo napo..
Marilou Roxas Areglo