makati? nangangapal na kamay? weird na pakiramdam
13wks 4 days pa lang akong buntis. Nagising ako na parang ang kati kati ng tyan ko. Natatakot ako kamutin kasi baka magka stretchmarks. Tas biglang feeling ko pati buong kamay at braso ko pareho nangngati sa ilalim ang kati. Parang mainit na nangangapal na parang di ko masara kasi para syang maga. Yung feeling na parang naallergy. Kaso waka naman ako allergy. Ang weird ng feeling kasi di ko madescribe ng maayos nararamdamn ko, tas ginising ko asawa ko. Hirap pa din ako idescribe ang feeling. Takot na takot ako. Tas nagpray ako ng nagpray in Jesus name. Kumalma ako pero yung feeling ko sa kamag ganon pa din pati sa pagitan ng fingers ko.