Kailan po nawala morning sickness nio?

Hi 13 weeks na ako ngyon pero nasusuka pa rin ako at hirap na hirap kumain. Pagod na pagod na dn ako s ganitong feeling. Kayo po kailan po nawala morning sickness nio like back to normal na feeling? Ang alam ko kasi 2nd trimester pero parang ang tagal po tlga 😅 thanks in advance s sasagot. #advicepls #pregnancy

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi momshie, yes, sa 2nd trimester mawawala yung morning sickness for many but for some minsan meron pa rin. Try mong wag ulitin yung mga foods na nakain mo na, if kaya ng budget try to eat something new hanggang mag crave ka sa mga nakain mo na. It might work. I feel you kasi nangyari sakin yan at parang twice a day nalng ako nakakakain because of that. Pero funny thing is nangyari sakin on my 4th baby na at yun ang ginawa ko. Nag lose weight din ako which is normal.

Magbasa pa

My OB told me na up to 16 weeks but sometimes can extend up to 20 weeks. Tiis lang Miii. I have morning sickness too. May araw ma sobrang ang lala. Like suka ng suka, walang gana kumain, laging gutom, ang selan sa pagkain. Pero may araw na isang bes lang ako susuka. Pero lagi padin akong walang gana sa pagkain. Ang hirap. Pero tiis lang. Fighting miiii! 💪

Magbasa pa

ako po until now ganyan. pero hindi na po kasing lala nung last month na nahihimatay pa ako kasusuka. ang hirap po talaga hindi ako nakakain at inom ng water. iyak ako ng iyak araw gabi.. haha. Kaya napilitan na din ako mqg resign kasi sobrang selan ko po. hopefully this month maka recover na po ako. 18 weeks pregnant 😊😍

Magbasa pa

I’m at 12 weeks but may times na meron pa rin morning sickness. Yung sinasabi na 2nd trimester mawawala is not applicable to everyone. May ibang mommies na until 6 months may morning sickness pa rin. Ako madalas nattrigger ng gamot yung morning sickness ko, so check mo nalang din kinakain mo if may nakakatrigger ng nausea.

Magbasa pa
3y ago

Pinalitan yung isa, then yung isa (calcium) pinapahati into two and magkasunod na inom kasi nattrigger ako pag malaki gamot ko. :)

sakin kalagitnaan ng 2nd trimester nawala ska observe mo din baka dahil sa vitamins nung una kasi tine take ko yung vitamins ko ng empty stomach naiisuka ko lang ganun din pag after ko inumin gamot pero okay sya kapag ininom ko sabay sa pagkain 😅😅 33weeks na and wala ng morning sickness nakabawi nadin ng kain

Magbasa pa

April ko nalaman na preggy ko, til 11 weeks 2x lang ako nagsuka wala akong morning sickness as in very normal lang ung morning ko pero around 10am dun na ako nahihilo. Ngayon naman na 12 weeks ako parang nagsstart pa lang yung morning sickness sken dahil nadadalas yung nausea ko kahit anong oras

same tayo mommy ako nga dighay ng dighay. every meal sumusuka half meal ng kinakaen ko loss appetite i cant taste properly po even smell ng nagluluto ayoko and alcohol till now un taste ng water ayoko pero no choice inom ako ng inom need ni baby sobra hirap kahit may work ako tinitiis ko.

Hi Mommy akin nawala yung Morning sickness ko 5-6mos na yung tyan ko hehe. Same po tayo suka din ako ng suka and hirap kumain nun medyo matagal yung akin pero nawala din naman sya tapos bumalik gana ng kain ko 3rd trimester na.

ako po 17 weeks 4 days pero grabe pa din morning sickness. sabi naman normal lang kasi yung iba daw umaabot ng 6-7 mos bago mag normal yung pakiramdam nila. lalo na at 1st baby matagal daw talaga bago makapag adjust katawan natin.

i think pa 6months ako nun na back to normal na pkramdam ko. dna ako nagsu2ka o dna rin maselan pang amoy ko pero syempre d rin bsta2x mawa2la ung sakit ng balakang at likod. isama pa jan ung ngipin at ulo .