Skincare for preggy
12weeks pregnant. Hello mga mi, may alam ba kayo skincare na pwede sa buntis? Andaming pimple sa noo ko huhu kahit mabawasan man lang. Thank you po sa makakapansin :)
ganyan ako hanggang dd ko nga madami pero okay lang sakin kasi parte ng pagiging buntis yan ih ☺️ ayoko naman gumamit ng skincare para pang akin lng baka mapano si baby Alam naman natin madaming bawal sa buntis at kadaming kemikal ang nilalagay sa pang skin care bawi nalang pag nanganak hehez btw 16 weeks here ☺️
Magbasa patry mo muna po normal cleansing na warm water to reduce oiliness then more water,rest ka and happy thoughts. ganyan po sakin 1st trimester pero wa epek mga mamahalinh sabon.. kusa nalang nawala at nag adjust til now na 35 weeks na ako.. yun nga lang skin tags ang nag lalabas 😅
Bawal po ang skin care kasi di naten alam kung anong gamit sa pag gawa. Ako nga sis.. Di ako nag kakapimple sa noo pero ngayon 16weeks pregnant ako.. Ang daming maliit na pimple sa noo ko.. Sabi sakin dala daw ito ng pag bubuntis ko.. Hormones kung baga pero mawawala din daw to
Ganyan din po ako mommy, grabe talaga pimples ko 1st trimester to 2nd. Nung malapit na matapos 2nd trimester ko kusa po nawala mga pimples ko. wag po kayo mag apply ng kung ano ano, malinis na tubig po ang ihilamos mas maganda po kong maligamgam at malinis na towel ang ipunas.
Ako nmn nabgla na lang kasi bgla mlalaki pimples ang Lumalabas Kaya na icp ko agad na buntis ako kasi ganun sa panganay ko Kaya gamit ko po dove moisturizer po effective nmn po hindi naku nilalabasan nang pimples hanggan ngayon
magkabaliktad tayo, andami kong pimples nung di pako preggy, biglang nawash out nung nabuntis ako. Siguro iwasan mo nalang maglagay ng matatapang na product or leave it alone kasi kusa yan aalis sayo after pregnancy.
Cetaphil Gentle Cleanser and Cetaphil Moisturizing Lotion lang din po ginamit ko ever since I found out na preggy ako, plus increase water intake. Nag-work naman po. ☺️
Nagkaron din ako ng malalang breakouts nung nabuntis ako Mi. Suggest ng OB ko sakin gumamit ng any toner na water based. It helped naman po. Try niyo Mi. Before bedtime ko lang po ginagamit.
Jusko sis, ranas na ranas ko yan nung 1st trimester. naiyak nalang ako sa sobrang kati ng mukha at sobra nakakababa ng confidence. 26 weeks nako and makinis na ulit face ko, buti at okay na
Same sakin mi nung nabuntis ako. Grabe yung naging breakout. Pero nagstart na mawala nung 2nd trimester na. Try mo Human Nature or any mild soap/cleanser then wag ka na din muna magmakeup.