Ask lang po mga mommies

11 weeks napo akong preggy , palagi po akong nahihilo at suka lalo na kapag nakakaamoy po ako ng nilulutong bawang o sibuyas , ayaw ko rin po ng amoy ng matatapang like Alcohol sa kamay , usok ng yosi at usok sa labas , hirap na hirap nako minsan makahinga at lalong hirap din po ako sa pag pili ng pagkaing kakainin ko kase lahat isusuka ko .. Hanggang kelan po kaya ako ganito πŸ˜” #1stimemom #advicepls

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dont worry mi, it gets better sa second tri! πŸ’ͺ🏻 mahrap talaga ung nagsusuka o naduduwal lalo pag wala naman mailabas, di maganda sa pakiramdam. Ngayon po ako 20wks, sobrang bihira nlng makaranas ng nausea. Akala ko nga totally wala na, gulat nlng ako minsan susulpot pa 🀣 Bumili pala ako ng ginger candy mi. So far nakatulong sya sakin πŸ€—

Magbasa pa

Kapit lang po mommy. Ganyan din ako nung 1st trimester, maselan ang pang-amoy pati sinusuka mga kinakain. Pati po tubig ayaw ko ng lasa. Eventually unti-unti syang mababawasan. Tsaka pag more than thrice ako nagsuka sa isang araw, niresetahan ako ng hydrite para di maging dehydrated or yung may ion na beverages

Magbasa pa

Same tayo mamsh ang advise nmn skin ng ob ko magcandy daw ako para mabawasan ang pasusuka ko or mag chew ako ng ice cubes.. nainom dn ako malamig na water minsan.. dti din ksi pinaglihian ko talaga ang yelo pero ok naman ang 1st baby ko.. so baka dto sa 2nd ko yelo nnmn matripan ko . .

youre not alone mommy, ganyang ganyang ako haha kahit amoy ng sabin na panligo namin ayaw ko pati yung mild deodorant lang nahihilo ako. yung sa 1st pregnancy nawala nung 14-15weeks ako.. ngayon kasi sa 2nd ko mas matindi. πŸ˜…πŸ˜… will power lang po. kaya natin to para kay baby! πŸ’ͺ

same ako from 6 weeks to 14 weeks ganyan dinanas koπŸ˜… pero pagdating ng 15 weeks mejo nababawasan na may mga pagkain nlang tlaga na nagtitrigger sken..pero tgus 16 weeks..mejo nagbago na sense of taste and smell ko..ung mga ayaw ko nung nakaraan mejo ok na sakin

Pareho tayo sis. Ayoko ng amoy sibuyas o bawang o ng niluluto na ayaw ng pang amoy ko. Kulob dito sa condo kaya hirap si husband kung ano food ipapakain sakin. Ayoko kasi na nagluluto sya. Nasusuka ako. πŸ˜”

same tayo, na experience ko din ito nung 1st trimester ko, kahit malayo ako amoy na amoy ko. then pag tungtong ng 2nd trimester unti unti nawala. ngayon ang ayaw ko nlng na amoy is kimchi hehe.

Iba iba mi depende pa din e. May ibang mommies like me na pagdating ng mga 15wks (2nd tri) nabawasan na bigla ung ganyang symptoms. Yung iba mi manganganak nalang nagsusuka pa din haha

2nd trimester unti unti na yan mawawala. On my 15 weeks yung amoy ng ginigisa na lang kalaban ko ngayon πŸ˜†at minsan headaches. The rest ng mga symptoms ko nawala na.

Same po tayo ng experience Mommy pati Fried chicken ayaw ko talaga, mas gusto ko ang Tinapa. Mawawala din yan kapag nasa 3rd trimester kana. ☺️ Godbless Mommy!

Related Articles