NOTICE ME!!!! Lungad nang lungad si Baby 😭

10days old palang si baby. Normal lang po ba lungad nang lungad si baby? As in every after nyang dumede sakin or di kaya pag nagigising siya. Minsan madami minsan naman po kaunti lang. Tska po parang matigas po yung tiyan niya pero di naman po siya na iyak. Should I worry po? Kailangan ko na po ba ipa'check up si baby? #firstbaby #1stimemom #momcommunity #lungad #breastfeedbabies #breasfeedingmom

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din si baby ko, 1 month and 21 days na sya, breastfeed, lumalabas pa nga minsan sa ilong at parang gatas pa nga ang lungad nya. as per his pedia, normal lang nmn daw ang lungad sa baby, lalot medyo malakas dumede si baby, basta hindi sya fussy & hindi naman nilalagnat or walang dugo sa lungad. advice nya, iba-burp si baby every after feeding, pag pinadede, as much as possible elevated din ang ulo nya. tapos pinahinto nya ako sa pag inom ng gatas. Pero kung hindi pa din po kayo mapalagay, ask pedia na din po para mapalagay ka din mommy. 🥰

Magbasa pa

kung dipo makadighay pagtapos magdede, padapa niyo lang po siya sa tummy niyo mommy. tsaka wag din po mayamaya magpadede. 2-4 hours po bago ulet magpadede. ipaupo niyo po siya agad kapag naglungad tas hilutin niyo po sikmura niya kasi dipo yan makahinga kapag naglulungad hehe Godbless momsh!

VIP Member

Sabi ng pedia ng baby ko normal daw yung lungad sa kanila lasi di pa developed yung digestive system nila but still alarming pa din sa atin mga mommies😅 but if you are still in doubt sis better tell your baby's pedia about it.

VIP Member

Sabi ni Pedia sakin, if bottle feeding si Baby make sure laging dumidighay and after dighay 30mins before ibaba si Baby. Also may time interval ang feeding nila. If 2oz, 2-3hrs po.

VIP Member

pagkatapos pong dumede sayo ni baby mapa bf or formula, lagi mo po siyang papa burp.

Super Mum

make sure po mapaburp si baby after feeding, if tulog, wag po agad ihiga on his back.

Sa bote po ba nadede? Pwedeng overfeeding. Pero kung ebf wala pong overfeeding.

Post reply image

normal lang yan. baby ko 4 mos na pero lumulungad padin..

TapFluencer

pag dede nia, pls pa dighalin po ninyo si baby.

4y ago

padapain nyo lang po sa dibdib nyo mommy. kung breastfeed at tama naman latch ni baby, no need to burp. pero kung bottle feed naman, need to burp talaga. Pagkadighay nya makakatulog agad din si LO.

iburp lagi after dumede