Tips naman jan para sa mga nahirapan mag buntis 😁 at nagka baby na.
1 year na kaming nag try diparin nakaka buo. Nagpa consult kami nag reseta lang ng gamot sana next yr meron na 🙏

1 yr and 2 months kami nagtry magconceive ng partner ko. Minsan nadedelay pa ako nga 1-2 weeks sa expected date ng menstartion ko kaya nageexpect na ako na baka buntis ako, pero pag nagPT na ako negative ang result. Nagresign ako sa trabaho ko kasi sobrang nai-stress ako. And then 38 days na ako na hindi dinadatnan from my first day of last menstration. Minsan napansin ng partner ko lagi akong naduduwal pag gutom ako, para sa akin wala lang iyon.Sabi sakin ng partner ko magPT na ako, ako naman ayoko muna magPT baka delayed lang dating ng mens ko. Then ako rin napansin kong wala akong ganang kumain kahit nagugutom ako 3-4 kutsara lang pakiramdam ko busog na ako. Tapos nagdecide na ako magPT it came out positive, sobrang tuwa namin ni hubby at sa wakas nabiyayan din kami. Iwas ka lang sa stress momsh then visit your OB para mabigyan ka ng vitamins na pwede makatulong para mabuntis ka. Praying for all women na gustong magkababy na sana mabiyayaan din kayo ng baby like me.
Magbasa pa