1 year na kaming hiwalay at hindi okay ng daddy ng anak ko, pero this past few months nag uusap usap na ulit kami kahit na galit rin sakanya yung family ko. Pinag apply na rin nila ako ng solo parent ID kasi yung sa birth certificate ng anak ko apelyido ko ang nakalagay. Nitong mga nakaraang buwan gusto ko na makipag balikan sa tatay ng anak ko kasi lumalaki na yung bata at palagi na syang nag hahanap ng daddy. Kaso natatakot akong papuntahin yung daddy nya dito sa bahay kasi alam Kong galit talaga yung buong pamilya ko sakanya. Ano bang gagawin ko mga mommy and daddy? Gusto ko syang ilaban para sa anak ko pero kapag ginawa ko yun, malamang ako naman ang pag iinitan. Masyado kasing mahigpit ang family side ko. Ano kaya dapat kong gawin para matanggap nila ng paunti unti yung desisyon ko? #firstbaby #advicepls #1stimemom #pleasehelp
Anonymous