1. Bakit kailangan natin pabakunahan ang ating mga anak?
-Dahil ito ang immunity protection para malabanan ang mga infectious diseases tulad ng tigdas, cancer, polio, pagtatae at iba pang nakakahawang sakit.
2. Anu-ano ang mga klase or tawag sa mga bakuna?
-Routine Vaccination: Everyone needs to get
-Catch up Vaccination: Kapag na missed or na delayed ang bakuna, pwede ka magkaroon ng catch up vaccination
-Booster Vaccination: Kailangan ito para patuloy na protektado ang ating mga anak hanggang sila ay lumaki (0 to 9 years old)
3. Totoo ba na nagca-cause ng Autism ang MMR Vaccine?
-According kay Dra. Lulu, ito ay fake news lamang. Dahil ang study or research na sinulat ni Dr. Andrew Wakefield noon ay error at hindi standard procedure ang pagbabakuna. May nakita kasi sa study ni Dr Andrew na bago bakunahan ang mga bata ay may mga symptoms na talaga na autism. Kaya hindi totoo na nakaka-cause ng autism ang MMR vaccine.
4. Totoo ba na kapag hindi nilagnat ang baby, hindi daw effective ang vaccine?
-hindi totoo. Effective ang vaccine lagnatin man o hindi ang baby.
5. Ano ang mga side effects ng bakuna?
- Sila ay magiging balisa, iyak ng iyak sa gabi. May tendency rin na pwedeng mamaga ang turok niya.
5. Ano ang mga dapat gawin after bakunahan si baby?
- Monitor your baby atleast 24 hours. Alalayan mo ang anak mo after bakuna dahil pwede mamaga ang turok, magiging fussy at iyak ng iyak sa gabi. May tendency at very rare na mangyari ay nanlalambot ang mga baby at nagsusuka.
6. Cold or warm compress? Ano ba talaga ang gagawin?
- Kapag kakatapos lang ng bakuna, cold compress
- Kapag after 24 hours ay namamaga parin ang bakuna, warm compress
- Take paracetamol to relieve pain
7. Pwede ba magpa-bakuna ang may sakit?
- Kapag may lagnat, pwede ipagpaliban at huwag muna magpabakuna. Dapat atleast 3 days before vaccine schedule ay walang lagnat ang bata.
- Hindi pwede magpabakuna, kapag allergic ang bata (Ask your allergist/pedia)
- Hindi naman masama magpabakuna ang may konting ubo at sipon. Hindi contraindication yun (pero always consult your pedia)
- As long as the patient is not sick enough to be admitted, yung hindi malubha ang sakit, pwede magpabakuna.
8. Pareho lang ba ang vaccine sa Health centers at private pedia?
- Yes, pareho lang.
- Basta magtiwala lang po tayo sa mga approved vaccines ng FDA and DOH na ginagamit sa national program. Ang government ay hindi mag bibigay ng hindi magandang bakuna. :)
- Kung may kaya ka at ayaw mo pumila, pwede mong piliin ang private pedia.
-Mahaba kasi at matagal ang paghihintay sa mga health centers pero LIBRE.
There are 3m lives are being saved by vaccines. Magtiwala tayo sa bisa ng mga bakuna :)
Ang mga impormasyon na ito ay base sa napanood kong Webinar ng TheAsianParent Philippines Ask Me anything with Dra.Lulu last February 10, 2021.
Watch replay here: https://www.facebook.com/theAsianparentPH/videos/1073453159733076/
#AllAboutBakuna #ProudToBeABakuNanay #VaccinesWorkforAll
Mariel Mendoza