#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!

I-set na ang iyong alarm! Magakakaroon ng Facebook Live webinar ang #ProjectSidekicks on July 21, 7pm. Makakasama namin si Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, at si Dr. Chex de Leon-Gacrama, isang Neuro-Psychiatrist, upang talakayin ang importansya ng mental health at suporta ng pamilya sa pagkakaroon ng healthy pregnancy. Layunin ng Project Sidekicks na matulungan ang mga buntis na mabigyan ng tamang impormasyon upang ma-prevent ang stillbirth. Mayroong tanong para sa ating doctors? ASK YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin 'yan ng mga doctors natin during the webinar. WHEN: July 21, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page (https://www.facebook.com/events/278185589913847/) Kita-kita tayo, mga buntis!

#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!
92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello I'm 13weeks pregnant mayron po akong goiter hndi nmn po cya gaano kalaki maliit lng po.. mag tanong Sana ako Kong maapiktuhan po ba ang baby ko...at Isa ko pang tanong normal lng po ba na 13weeks pregnant na ako pero hndi madalas pomitik c baby sa tyan ko

5y ago

Hyperthyroid ka ba or hypothyroid? Pwede maka affect yan kay baby kung walang kang narereceive na gamot. Better consult your OBgyne. Sa baby’s movement naman, are you a first time mom? Mashado pang maaga ang 13 weeks, hindi mo pa talaga sya mararamdaman. If first time mom ka usually mga 18 wks onwards magstart na may onti ka ng mararamdaman. If nabuntis ka na dati as early as 16 weeks pwede mo na mafeel yung galaw ng baby.