#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!

I-set na ang iyong alarm! Magakakaroon ng Facebook Live webinar ang #ProjectSidekicks on July 21, 7pm. Makakasama namin si Dr. Kristen Cruz-Canlas, isang OB-GYN, at si Dr. Chex de Leon-Gacrama, isang Neuro-Psychiatrist, upang talakayin ang importansya ng mental health at suporta ng pamilya sa pagkakaroon ng healthy pregnancy. Layunin ng Project Sidekicks na matulungan ang mga buntis na mabigyan ng tamang impormasyon upang ma-prevent ang stillbirth. Mayroong tanong para sa ating doctors? ASK YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin 'yan ng mga doctors natin during the webinar. WHEN: July 21, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page (https://www.facebook.com/events/278185589913847/) Kita-kita tayo, mga buntis!

#ProjectSidekicks Webinar with an OB and a Psychiatrist!
92 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ilang months po ba bago ko makapa at maramdaman si baby? 9weeks pregnant po ako. Medyo nabo bother lang po ako. kase parang hindi pa ganun kalaki puson ko. tska wala pko nararamdaman n parang pumipintig??

5y ago

Depende sa body type kung kelan mo mapapansin ang baby bump. Usually at 15-16 weeks bago mapansin yung baby bump kung payat ka, pag chubby naman usually later pa. Ang paggalaw naman ni baby pwede as early as 16 weeks mafeel mo kung observant ka or nanganak ka na dati. Pag first time mom ka usually nasa mga 18-20 weeks mo mapapansin yung subtle movements sa puson mo.