14613 responses

natry ko po ung Enfamama choco Flavor, may after taste sya para saken pero di naman ako nasuka. kaya trinay ko Anmum choco flavor, mas gusto ng panlasa ko para lang syang Chuckie :)
I only drink sterilised milk, dahil nasusuka ako sa powdered milk and i don't know why, even nung hindi pako preggy ayoko talaga ng any powdered milk amoy pa lang nasusuka nako😅
Nung una enfamama pero nirecommend din ng ob ko na pwede nman ang bearbrand ksi minsan naiiba na panglasa ko sa enfamama.. Naiisuka ko lang kaya ngbearbrand n ko ngayun..
Bearbrand nong una. Kaso ngayon inihinto ko na kasi sinusuka ko lang din pagtapos kong mainom kahit di pa ubos. Kaya sa ngayon wala akong iniinom na gatas.
Enfamama nung una pero hndi ko din Nakaya lasa kasi nag bubuo buo yung gatas nya nakakasuka na. Tas ngayon anmum chocolate na napaka sarap 🤤
dati anmum.. okay sana kaso nangSCAM ang seller sa shopee noong 11.11.. 🙄🙄🙄 Lipat sa ENFAMAMA.. mas Okay pa.. ♥️♥️♥️
Magbasa paBearbrand lang iniinom ko hindi ko kase kaya yung budget para sa milk ng pag bubuntis, yung ipon ko para talaga yun sa pag labas ng baby ko
2012 1St baby ko anmum ako. Kaya ngayong 2nd baby ko balik anmum ako, kasi naniniwala ako na ung talino ng 1St born ko dahil din dito...
Anchor, bearbrand at yung Energen every morning ,ung energen marami syang vitamins at may folic acid din sya.. Pag may budget anmum.
ito ang palagi namin binibili noon ni mister para maging healthy sa tiyan ko si baby. masarap talaga siya iniinom ko umaga at gabi

