Whole Grains
Cereal
Whole Grains
Puwedeng kumain ng cereal ang mga nagbubuntis. Ngunit mas mainam na piliin ang whole grain cereal, at cereal na walang dagdag na sugar. Nakakatulong ang fiber nito laban sa constipation at morning sickness, at ang mga nutrients ng cereal ay nakakatulong sa development ni baby.
Pagkatapos manganak ay puwede pa ring kumain ng cereal ang mga ina. Piliin ang mga cereal na whole grain at walang dagdag na sugar. Nakakatulong ang cereal para maibsan ang constipation, na madalas nararanasan ng mga inang kapapanganak pa lamang.
Mainam na ulam o kaya snack ng mga nagpapasuso na ina ang isang bowl ng cereal na mayroong gatas. Nakakatulong ito upang mapabuti ang iyong digestion, at upang mapalakas ang katawan ng mga nagpapasuso na.
Maaaring kumain ng cereal ang mga baby kapag puwede na silang kumain ng mga prutas at gulay. Piliin ang cereal na whole wheat, at walang dagdag na sugar o kaya gatas, upang mapatibay ang kalusugan ni baby.