Hello mga mi, finally nakaraos nadin kahit hindi pa umaabot sa due si baby, 36 weeks lumabas na sya, very thankful dahil hindi naman sya pre term hindi na incubator dahil healthy (salamat panginoon) dapat check up ko lang pero nong nakita na nasa 160/100 ang Bp ko hindi na ako pina uwi at ini admit agad ako at emergency CS agad dahil grabe pala talaga ang pre eclampsia sobrang delikado both sa inyo ng baby, mawawalan sya ng oxygen sa loob and any time pwede ako mag seizure, Sa mga malapit na ang due paki iwasan po kumain ng madami lalo na sa rice and fatty foods para hindi tumaas ang BP at padin sa matatamis tiisin nalang muna at kainin nalang lahat ng cravings after manganak, wala naman kami history ng Highblood lalo na ako dahil masyado akong conscious sa health pero ending nagkaroon padin. Godbless po sa ating lahat mga mommy and soon to be mommies 🩵🩵🩵🩵 #sharingiscaring #firsttimemom #pregnancy
Read more


Hello mga mi, FTM here and 25 weeks preggy na po, until now naguguluhan ako kong sa Lying in ba ako manganganak or Hospital ano po ba ang much better? natatakot po kasi ako na baka pag practisan ako ng mga nurses sa hospital, may ma susuggest po ba kayo na Lying in Malapit sa Floodway Cainta? or around pasig? if hospital naman po may ma recommend din po ba sila? Thank you so much in advance #Needadvice
Read more