Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
Ubo at sipon
Hello mga mommies, one week ng may ubo at sipon si baby, yung reseta sa kanya ay ambroxol at disudrin kaya lang wala pong pagbabago. Baka po may alam kayo na mas effective? Salamat... Working and first time nanay po ako. 💜
My 35 weeks premie, cord coil and breech
Edd: nov 28, 2020 Dob: oct 26, 2020 via emergency cs 2.2 kg Naglabor ako 26 ng 6:30 am habang sobrang lakas ng bagyong quinta, di pa sya dapat lumabas kasi 35 weeks pa lang. Pagdating namin sa hospital bandang 11:00 am lalabas na daw, pero di ko pwedeng inormal kasi breech. Transfer agad ako sa pinakamalapit na hospital na may nag ccs kasi yung ibang hospital nabahaan na at walang doctor.. 1:29 pm labas na si baby. Buti safe sya. Inilawan lang sya ng 24 hours at ok na well adopted na sa outside world. 💗💗💗
Double cord coil
Hello mumsh, 30 weeks 3 days preggy here, nagpacheck up ako kahapon, may double cord coil po ang baby baby ayon sa doctor.. At the same time suhi daw. Nakkapagworry lang kasi baka kung mapano ang bby ko.. Di ko maiwasan mag isip at mapaluha... Meron po ba dito na may double cord coil din ang baby pero nag okay pa at nanormal delivery pa? Thanks much mumsh
just me
27 weeks pregnant! I am just sharing photos of me being pregnant and not. Sobrang laki nga ng difference indeed. Pero sobrang worth it naman. Nakakababa lang ng self steem minsan dahil ang daming nagsasabi na 'ay ano ba yan ang pangit mo na', 'uy ang taba taba mo na', 'pagang paga kana eh', 'lapad na ng ilong mo di naman yan ganyan dati', 'di kana sexy'at marami pang pamumula. Pero okay lang keri pa naman. Inside me is the most precious gem that Heavenly Father gave me. Napapalitan lahat ng saya ang lungkot sa tuwing sipa at galaw nya. Everything is worth it. 💗
utz
This is my baby at his 20th weeks and 5 days. Nagpaultrasound ako kahapon to make sure kung may pagdurugo pa din ako sa loob at pa check na rin sa ob kung ok lang si baby.. Nalaman ng nanay ko na nagpacheck up at ultrasound na naman ako pa 3rd time ko na magpacheck up and ultrasound. Though pinaliwanag ko sa kanya kung bakit ko kailangan magpacheck up sa ob medyo nagalit pa din sya sakin kasi sabi nya masama daw sa baby yung laging inuultrasound.. May masama po ba talagang effect sa baby ang ultrasound? Nagbasa naman ako sa net na wala naman pero nakakastress yung sabi sakin ng nanay ko na masama daw sa bata yun.. Masusunog daw si baby.. Hays.. Any comforting words po mga mommy? Thank you.
travel pass
Hi mga mommies, Kailangan pa rin po ba ng travel pass kapag tatawid sa ibang bayan under gcq? I am 10 weeks preggy nagkahiwalay kami ng aking asawa nung march dahil naabutan ng lockdown. Malayo kasi ang bayan na aking pinagtuturuan sa kanila. Salamat po sa answers. God bless
subchorionic hemorrhage
Hi mommies, Im supper worried, i was able to have my first check up last wednesday despite of ecq. My baby is super healthy inside and the heartbeat is good too. Ang naging risk lang po, sobrang makapal daw po ang subchorionic hemorrhage ko (internal bleeding) na possible daw mauwi sa pagkalalaglag ni baby. Nasa 2 cm x 1.6 daw yung dugo. This is my first pregnancy and i am now 7 weeks 6 days pregnant. Binigyan ako ni dra ng pangpakapit. Meron po ba dito ang the same case pero at the end healthy naman na naisilang si baby? Sobra po akong nag aalala para sa aking dinnadala. Please cheer me up and please include my baby to your prayer. Salamat po sa mga prayer nyo ngayon pa lang. God bless mommies
folic acid
Hi mga mommies, first time mommy po ako, 7 weeks and 5 days pregnant. Di pa po ako nakakapagpacheck up dahil sa ecq. Pero I take folic acid (folart) 1 cap a day na po bale pa 11 days na po akong umiinom. Ussually sa gabi po ako umiinom. Ok lang po ba yun? Wala naman po kayang masamang effect ang aking pag inom lalo na at di pa po sya prescribe ng doctor. Thank you po sa sasagot. God bless po