Side effect o bad effect kay baby
Mga momsh, ask ko lang po, 5 months and 1week na kasi bago nalaman na buntis ako.. Sa loob ng 5months na aware ako na hindi ko nagkaka mens at hindi ako nabahala kasi akala ko ganun talaga kasi nga irregular ko at sanay ako na minsan 1-2 mos di ako dinadatnan, pero kahit paano sa loob ng 5mos nagta try ako mag PT monthly. From 2nd-4th month naka 5 na PT ako puro negative naman, Hindi ko nagpacheck up agad kasi nga pandemic takot ako pumunta sa mga health center at hospital, sa loob ng 5mos na yun marami po nangyari, nandun ung nadulas na ko, kada sasakit ulo at ngipin ko umiinom ako ng dolfenal at mga iba pang gamot, nagpapahilot ako lagi sa likod, tapos lagi ako naka angkas sa motor, kung ano ano mga kinakain ko na ung iba dun bawal pala sa buntis, nagbubuhat ako ng mabibigat at higit sa lahat nung nasa 4mos na ata tyan ko nagstart ko magwork sa mall at lagi ako nadaan sa may garrette ba yung tawag dun, sabi nila hndi pala dapat dumadaan dun ang buntis kasi radiation daw yun. 1month mahigit din ako dun sa work.. Wala po kaya magiging side effect or bad effect yun kay baby? Sabi kasi ng OB normal naman daw po si baby sa loob ng tyan ko. Pero di ko po maiwasan mag worry kasi ang dami bawal na nagawa noon hindi ko pa alam na buntis ako, lalo na ung mga nainom kong gamot. #pregnancy #firstbaby #1stimemom #advicepls
Read moreKailangan bang punan ung mga buwan na walang hulog sa Philhealth bago ito magamit?
Hi po mga momsh, EDD ko po sa Apr2021, Employed po ako last year pero dahil nag pandemic, Jan-Mar at Oct-Nov 2020 lang ang may contribution ako, bali April-Sept 2020 wala ako hulog, balak ko po sana bayaran ko ung December 2020 at January-Apr2021 para updated pa rin ako.. Need ko pa rin ba bayaran ung Apr-Sep 2020 ko? #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls #momcommunity
Read more27weeks preggy. Normal po ba na magkaroon ng parang bukol sa kili kili? Kahapon ko lang napansin na may bukol sa kili kili ko. Kapag hinahawakan ko bahagya lang naman ang sakit. Pero natatakot kasi ako baka may ibang meaning tong parang bukol na ito. Sino po may same experience? #1stimemom #advicepls
Read more