Jessica Velasco profile icon
PlatinumPlatinum

Jessica Velasco, Philippines

Contributor

About Jessica Velasco

Got a bun in the oven

My Orders
Posts(2)
Replies(57)
Articles(0)

Sobrang hirap pala talaga maglabor mga moshie 😁 1 million times ang pain

Good day mga moshie 🥰 Update ko lang po kayo. Nakaraos na kami ni Baby. Name: Baby Tj Lucio ( Baby Boy) EDD: September 15, 2020 DOB: September 13, 2020 - 39week & 5days. (Kabirthday nya Papa nya 🥰) Weight: 3.4kg Height: 51cm Sobrang hirap pala talaga maglabor mga moshie 😁 1 million times ang pain hehe yung tipong hindi mo alam saan nanggagaling yung sakit. Halos 18hrs ako naglabor, super hirap! Sept 12 nagpacheck-up pa kami ni lip 1cm palang ako nun so niresitahan ako ng OB ko ng primrose. Nung gabi after dinner nagtake na ako ng primrose at isang malaking milky delight 😁. Bandang 11pm nagstart na sumakit ang tyan ko pero wala pa namang kahit anong discharge. So hinayaan ko lang muna natulog uli kami, pero mga bandang 12mn naging sunod sunod na yung pain na tipong naiiyak na ako. Naglakad lakad pa kami sa loob ng bahay baka sakaling marelieve pa yung pain pero hindi talaga so nagdecide na kami pumunta sa clinic bandang 5:30am. Pagdating sa clinic pag ei sakin 2cm palang pero hindi na ako pinauwi. So nag cr muna ako pero pag ihi ko may dugo na kasama. Umuwi muna si lip para kunin mga gamit namin ni baby. Pinagsuot na rin ako ng adult diaper ng staff sa clinic, mga 7am pag ei uli sakin biglang parang may isang Bag ng tubig na pumutok narinig ko pa yung lakas na putok 😅 pero nasa 3cm palang ako. Pinasok na ako sa Delivery room kasama lip ko habang hinihintay yung doctor yung OB ko na magpapaanak sakin. Habang naghihintay hindi ko na talaga kaya yung sakit sabi ko kay Lip magdasal na kami para malessen yung pain na nararamdaman ko at yung kapit ko sa kamay ng lip ko sobrang higpit na kada hilab. Hanggang sa nagdecide ako Nagpapainless ako pero hinintay pa na mag7cm bago iinject sakin yung gamot. 12nn saka tumaas ng 7cm so tinurukan na ako ng pangpainless at kinabitan na ako ng oxygen, nakatulog ako pero nagigising ako pag humihilab yung tyan ko. sabi nga ng mga midwife pag humilab sabayan ko raw ng eri. Dumating na yung OB ko nasa 8-9cm na ako so nagready na para ilabas na si baby, ng 10cm na nakailang push na ako pero ayaw parin lumabas ni baby, halos nanghihina na ako ilang push na ginawa ko pero parang bumabalik si baby. Puro luha na ako and grabe na yung dasal ko kasi feeling ko mamatay na ako nung time na yun hehe😅 pero pinipilit ko lang talagang ilabas si baby kasi inisip ko nung time na yun hindi ko lang to laban, laban din to ni baby kaya kahit hirap na hirap na ako at druggie (antok) pa ako dahil sa painless pinipilit ko pa rin lumaban. Naririnig ko rin yung OB at mga midwife na minomotivate ako. Hanggang sa humilab uli tyan ko so umire uli ako pero ayaw parin lumabas ni baby hanggang yung 2 midwife tumulong na sa pagpush sa tyan ko everytime na iire ako pero ayaw talaga lumabas. So ang ginawa nila ung OB ko na ang nag push (alaki pala OB ko) so mas malakas sya, so pag hilab pag eri ko sinabayan din nila akong ipush si baby, so ayon Thanks God lumabas na rin si baby sa wakas. Cord coil pala si baby kaya pala bumabalik pag-iniire ko (hindi nakita sa Ultrasound) tapos ang laki pa nya 3.4kg. buti magaling yung OB ko at nainormal delivery ko parin si baby kahit na halos umabot yung tahi ko sa pwet ko hehe and muntik na ako matransfer sa ibang for ECS. . Tapos mga moshie (fyi lang) delikado pala yung pag pumutok ang panubigan dapat within 12 hrs malilabas agad si baby kasi possible magka-infection si baby pag hindi agad nailabas Thanks God wala naman sya infection, katatapos lang namin sya napaLab test nung Sept. 17 ok naman sya maliban dun sa paninilaw nya kasi daw hindi compatible yung blood type namin ni lip, pero ok lang daw un kailangan lang paarawan si baby. Grabe talaga! totoo pala talaga yung sabi nila nasa hukay ang isang paa pagmanganganak. Pero once naman makita at marinig mo na yung iyak nya super worth it yung hirap at pagod 🥰🥰

Read more
Sobrang hirap pala talaga maglabor mga moshie 😁 1 million times ang pain
 profile icon
Write a reply