Melissa Bonaobra profile icon
SilverSilver

Melissa Bonaobra, Philippines

Contributor

About Melissa Bonaobra

Mommy of 1 active prince

My Orders
Posts(6)
Replies(6)
Articles(0)

Breastfeeding Myths

Yes MYTHS. Only in the Philippines!! 1. the kanin-ulam chronicles (kanan, kaliwa, parehong gatas ang nilalabas nyan. walang kanin, walang ulam, walang tubig...lahat gatas!) 2. ang dedeng pagod (panong mapapasa sa gatas ang pagod? napapagod ba ang gatas??) 3. ang dedeng malamig (kahit gano kalamig yang kinain at ininom mo, pagdating palang sa tyan mo nyan, mainit na din yan dahil mainit ang temperature ng katawan natin e di lalo naman pagdating sa gatas mo nyan, lalong wala na yung lamig nyan! isa pa, never pakong nakapag-pump ng gatas na malamig, kayo ba, nakapagpump naba kayo ng gatas na malamig???) 4. ang dedeng may sakit (hindi nadede ang sakit! pag may sakit ka, mas mabuting magpadede ka kasi imbes sakit ang madede ni baby, ang madedede nya ay yung antibodies mo kaya mas naiiwasan nyang mahawa ng sakit) 5. ang dedeng maanghaang (hindi aanghang ang gatas mo kahit kumain ka pa ng sili!) 6. ang dedeng lasing (hindi malalasing si baby pag nakainom ka ng alcohol! basta drink moderately. siguraduhin mo lang na hindi ka papakalasing at baka hindi mo maalagaan ng maayos si baby) 7. ang dedeng nagparebond (pwede ka magparebond, magpakulay, etc...in short legal kang magpaganda kahit nagpapadede ka! hindi papasok ang gamot sa buhok at pupunta sa gatas mo. kung matapang ang amoy ng gamot, pwede mong lagyan ng showercap pag magbbreastfeed ka para hindi maamoy ni baby) 8. ang dedeng pinaksiw (hindi hihinto ang gatas mo pag kumain ka ng maasim) 9. ang dedeng gutom (pwede pong magpadede kahit gutom. hindi po napapasa ang gutom. pag pinadede mo si baby, mabubusog yan kahit anong gutom mo pa!) 10. ang greatest white (hindi nman nakakdecrease ng supply ang kape basta in moderation pero lalo namang hindi yan nakaka-increase ng supply) 11. malunggay, malunggay, malunggay!!! (siguro nga kahit papano nakakatulong ang malunggay pero wag o.a. sa malunggay! kumain ka naman ng iba! balanced diet dapat! eat variety of food para healthy ka at makaproduce ka ng madaming milk) 12. the binat serye (sa Pilipinas lang talaga merong binat. walang medical term para sa binat, ni walang english term kaya pwedeng maligo, pwedeng malamigan, pwedeng kumilos at higit sa lahat pwedeng magpadede kahit bagong panganak!) CCTO PS: pakidagdagan nlng po ng alam nyo pang mga bawal na hindi naman talaga dapat bawal ?☺? Happy Breastfeeding Mommies! ?❤

Read more
undefined profile icon
Write a reply

"BREASTFEEDING MYTHS"

☞ BAWAL UMINOM NG MALAMIG, MALIGO NG MALAMIG, MALIGO SA GABI, MAHAMUGAN, MAULANAN KAPAG NAGPAPASUSO. BAWAL DIN MAGPASUSO KAPAG BAGONG LIGO O KUNG KATATAPOS LANG MAGLABA ▪ Hindi masususo ni baby ang lamig kaya okay lang yan. Paglabas ng gatas sa suso, mainit init ang temperature nun. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG GUTOM O PAGOD ▪ Pwedeng magpasuso kahit gutom o pagod. Hindi nasususo ang gutom at pagod. Pero syempre kailangan maging malusog ni mommy para healthy siya. ☞ BAWAL KUMAIN NG MAANGHANG, MAASIM, MATAMIS, MAALAT ▪ Pwedeng kainin ang mga yan. Huwag lang sosobra dahil baka magkasakit ka. Hindi totoong magkaka-diabetes si baby kapag kumain ka ng matamis. Hindi rin totoo na magkaka-UTI siya kapag kumain ka ng maalat. ☞ BAWAL KUMAIN NG MALANSA ▪ In general, pwede yan. Maliban nalang kung may history ng allergy sa pamilya o may kakaibang reaksyon kay baby. ☞ BAWAL UMINOM NG KAPE AT ALAK ▪ Pwede yan basta in moderation. Huwag magpapakalasing dahil baka hindi maalagaan si baby. Ang sobrang alcohol sa katawan ay pwedeng makaapekto sa quality ng gatas at supply. ☞ BAWAL MAGPA-REBOND AT HAIR COLOR ▪ Pwedeng magpaganda mga mommy. Iwasan lang ang treatment na may formaldehyde na sangkap dahil masama ito para kay baby. Mag iwan ng gatas para kay baby at huwag na siyang isama sa salon. Mas makabubuti kung hintayin nalang munang matapos ang pospartum hairloss stage o ang paglalagas ng buhok. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG MAY SAKIT ANG MOMMY ▪ Mas magandang magpasuso kapag may sakit ka para makuha ni baby ang antibodies. In that way, maiiwasan na mahawa siya o kung mahawa man, mabilis siyang gagaling. Kung may sipon at ubo ka, maghugas ng kamay ng mas madalas, magsuot ng mask, at iwasan ang face to face interaction kay baby. ☞ BAWAL MAGPABUNOT NG NGIPIN ▪Pwedeng magpabunot ng ngipin. Compatible naman sa breastfeeding yung karamihan sa mga gamot. Para makasiguro, i-check sa e-lactancia.org ang generic name ng gamot. Humingi ng go signal sa OB. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG NANINIGARILYO ▪ Masama ang paninigarilyo nagpapasuso ka man o hindi. Hangga't maaari iwasang manigarilyo dahil delikado ito sa kalusugan mo, sa anak mo, at sa ibang tao. Pero kung papipiliin, mas mainam na magpasuso ang naninigarilyo kaysa mag offer ng formula. Pagkatapos manigarilyo, maligo at magsipilyo bago magpasuso. Nakakahina din ng milk supply ang paninigarilyo. TANDAAN NA NAKAKASAMA SA KALUSUGAN ANG PANINIGARILYO SA PANGKALAHATAN. ☞ ANG ISANG SUSO AY TUBIG, ANG KABILA AY KANIN ▪ Walang ganun dahil pareho lang ang nutritional content ng bawat suso. May tinatawag lang na FOREMILK (mas malabnaw na unang lumalabas kada sumuso si baby) at HINDMILK (mas malapot na lumalabas habang tumatagal sa pagsuso si baby). ☞ NAWAWALAN NG SUSTANSIYA ANG GATAS NG INA ▪ Kahit anong kainin, kahit anong inumin, kahit anong gawin, hindi mawawalan ng sustansiya ang gatas ng ina. ☞ BAWAL MAGPASUSO KAPAG BUNTIS KA ▪ Kung hindi maselan ang pagbubuntis, pwedeng pwede. Maraming nanay na ang naging successful sa breastfeeding habang nagbubuntis. Alamin sa OB ang status ng pagbubuntis dahil kapag high-risk, pwede kang mag-early labor. Ang breastfeeding kasi ay nagca-cause ng contractions. ☞ BAWAL MAGTAAS NG KAMAY KAPAG NATUTULOG DAHIL BAKA MAWALA ANG GATAS ▪ Hindi po ito totoo. Mawawala lang ang gatas kapag wala nang stimulation. ☞ KAILANGAN MUNANG PIGAIN ANG SUSO KAPAG MATAGAL HINDI NAKASUSO SI BABY ▪ Hindi ito kailangang gawin dahil hindi napapanis ang gatas sa loob ng suso. Nawa'y malinaw na ito mga mommies. LET'S MAKE READING A HABIT ?? Written by: Breastfeeding Mommy Blogger DISCLAIMER: Nasa sa inyo pa rin kung susunod kayo sa mga nakalagay dito. ? SOURCES: Breastfeeding Pinays and Kellymom ? CindyandJana.com

Read more
undefined profile icon
Write a reply