Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited seeing my 1st baby?
PAGLIIT NG DEDE
Mii ask ko lang baka may katulad ko kasi nung pagtungtong ko nf 7mos biglang natigil yung paglaki ng dede ko, unlike noong naglilihi ako na lumaki siya tapos matigas. Ngayon bumalik sa dati na maliit🤦. Sinong naka experience sa inyo? Masakit ung nipple nya pero hindi na lumaki, ung 36 nung naglilihi, bumalik sa 34✌️.
Minimal movement
Mga miii normal lang ba na hindi na masyadong nagalaw si baby. Em 28 weeks and 3 days. Pero bago siya nag28 weeks, akala mo kabayo kung makasipa at halos walang tulog. Ngayon nagalaw naman pero minimal lang at para akong bumabalik sa paglilihi ko. Though hindi ako naglihi sa 1st trimester ko gawa ng need kong magdiet dahil sa spike ng blood sugar ko. May ganito rin bang experience dito sa group. Salamat sa sasagot.
HIGH BLOOD SUGAR
Mga mii meron po ba dito na nanganak ng normal kahit mataas ang blood sugar niya? Sinasabi kasi ng OB ko na at risk ako pero kapag nakontrol naman bago manganak ay pwede pa rin magnormal. FTM here. Thank you sa sasagot😊
Mahinhin ang baby👶
Mga miiii, 3 days nalang 5 mos na ni baby ko. Di masyadong gumagalaw pero maayos naman ang heartbeat. Normal lang ba yun, masyadong mahinhin ata ang baby ko. Hindi pa namumuyat sa ngayon, though sabi naman ni OB normal.
Small amount of watery brown discharge
Mga miii naranasan niyo ba ito. Mag 15 weeks plang ako. Worried ako, kung kailan tapos na sa 1st trimester.
High Blood Sugar!
Hi mamsh, just want to share my journey sa pagkakaroon ko ng mataas na blood sugar during my 1st trimester palang. If hindi talaga kayang ibaba dahil andun ka palang sa point na nagkecrave sa mga foods na nagpapataas neto, seek advice sa diabetician. Iniiyakan ko nung sabi ng OB ko na need ko mag insulin kapag hindi ko kayang ibaba thru diet. Aminin natin mahirap magdiet lalo na sa naglilihi o sa mga foods na pinaglilihian natin kaya still nakakaconsume tau ng mga foods na nagtitrigger sa blood sugar. Dumating ako sa point na as in halos ayaw ko ng kumain bumaba lang BS ko pero still, bigo ako. Hindi naging consistent. Now nagtuturok na ako ng insulin at ok na ang BS ko. Wag kayong matakot, wala namang advice ang OB na makakasama sa atin. Goodluck mga mamsh na super duper excited na sa baby nila gaya ko. 14 yrs in the making ang baby ko at hindi dapat magtake ng risk, always consult your OB para sa safe na labas na baby. Hi July babies, see you. God bless.
High blood sugar on early pregnancy
Mataas ang blood sugar ko kaya for now I have my diabetician and OB to monitor my pregnancy. Sa mga katulad ko, ano po usually kinakain niyo para mamaintain yung sugar level sa katawan during pregnancy. Though Gestational Diabetes is only for pregnant, ang hirap magpigil kasi ito ung time pa mandin na naglilihi ako, wala akong magawa kundi hindi kakain kahit nagkecrave ako. Pasta, bread and more carbo ang bawal, sa inyo mga momsh lalo na sa mga July 2023 ang due date. Thank you sa sasagot👶.