Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
FTM
Tips naman po mga CS Moms
Hello mga momshie, sched CS ako this saturday due to placenta previa at breech si baby. Excited naman ako pero kinakabahan din ako😅 Ano po mga nagpapakalma sa inyo lalo na pagpasok sa OR? Paano din po kayo agad naka recover after. Salamat po
Severe Constipation 27weeks
Ano po ginawa niyo maam? Ano din po mga management ng OB niyo? Grabe ang constipation ko severe na kahit anong pampatae na bigay ng OB wala na. Salamat po
Sino po nakaranas na ng ganto?
Kakalabas ko lang po sa hospital kasi nag bleed ako tapos nag funneling na cervix ko. Btw 27 weeks preggy po ako ngaun. Pero nag close na din cervix ko kaso nasa 2.45 lang sya. Kaya complete bed rest ako. Sabi ng OB ko mag high protein diet na ako para miski 1.2kgs lang si baby papaanakin na daw nya ako. Sa mga nakaranas po nito na pinaanak ng maaga, okay naman po ba si baby niyo? (Placenta previa totalis and may adenomayoma din po ako) Salamat po sa sagot
23 weeks and 2 days. Galaw ni baby
Hello po mga fellow mommies. Naranasan niyo din po ba to. Baby girl po yung akin. 2 days ago super likot nya tapos simula kahapon hanggang ngaun tahimik sya. Kahit mag eat ng sweets. Pero pag ipalpate sya nagagalaw pero mahina lang di kagaya dati. Normal lang po ba ito mga mommies? Sana mapansin niyo po ako. Nagaworry lang ako. Wala pa kasi reply ang OB. Salamat
Palpitation Pag gigising
Hello mga momshie, na experience niyo din po ba ito, 2 days na kasi nangyayari sa akin. 16 weeks pregnant na ako. Lalo na sa madaling araw pag gising ko rinig ko na palpitaions ko malakas pero di naman ako kinakabahan. Nagtataka lang ako. Normal lang kaya ito? Pag tatayo ako wala na pag hihiga yan naririnig na naman.
Di maintindihan ang Tiyan
Hello po mga mamsh. Normal po ba ang ganto. Nararanasan niyo din po ba ito. Di ko maintindihan ano gusto ng tiyan ko. Di ko alam if gutom ako ulit, or ano gusto ng tiyan ko. Uhaw tapos uminom na ako ganto padin di ko maintindihan. 2 days na parang upset stomach ko.
Hirap tumagilid
Mga mamsh ganto din ba kayo nung katapos lang ng 1st trimester. Hirapan ako tumagilid magisa parang lahat ng laman ng tyan ko napupunta sa side na yun kahit lagyan ko ng pillow para comfortable. Parang masakit sa ibaba ng tyan ko parang nababanat. Tapos nag papalpitate ako pag sa left side. Pag diretso naman higa dko na din kaya ngaun, super sakit na balakang ko.
Likod ng balakang
Hello po. 1st time mom po ako. Paano po ba magrelax para di mangalay ang likod/balakang ko? Simula kasi ng nalaman kong 6 weeks preggy na ako medyo di ako makatulog ayos tapos naga sakit likod ng hips ko. Dati okay naman ako ng dko pa alam😅 salamat po