Maghire ng stay out Yaya or full time Mom?
Hello mga Mii, need ko lang opinion nyo dito. I'm 5 months pregnant na now and WFH, c hubby naman hybrid set up 3days WFH at 2days sa office, undecided kasi ako kung magreresign nalang after ng maternity leave ko or maghire nalang ng stay out yaya, ok nmn yung work ko hindi ganun ka stressful pero may times din na busy din tlga, minsan sa harap na ako ng PC ko kumakain. Di ko kasi alam kung igive up ko nalang ba muna 'tong work ko at magfocus kay baby after manganak or ok nmn ba maghire ng stay out yaya? first time mom here at di ko alam kung kakayanin ko pag alaga sa gabi at may pasok kinabukasan 6am to 3pm. Parang nanghinayang din sana ako sa work ko, pero takot din ako sa sinasabi nilang binat. BTW, covered naman ni hubby yung expenses ng family, yun nga lang pagdating sa wants medyo limited lang. TIA! #Needadvice #firsttimemom
Read more


Digestion problem-10 weeks preggy
Hello po, normal ba yung hirap sa digestion. Halos 1 week na di nakakatulog sa gabi kasi hindi natutunaw ung kinain sa gabi. Minsan paggising ko kinabukasan busog parin ako. Nahihirapan na talaga ako, iniisip ko tuloy kung di nalang ako kakain ng rice sa gabi. I'm 10 weeks pregnant btw. Ano kaya pwedeng gawin. Next month pa kasi ako babalik sa OB ko. #AskingAsAMom #Needadvice
Read more
Normal ba sumasakit yung puson 7W3D preggy here
Hello mga Mommies, 7weeks and 3 days pregnant here, kakaTVS ko lang nung Saturday April 12, normal naman yung result ng ultrasound ko, good heartbeat and no hemorrhage. Pero ngayon lang medyo sumasakit yung puson ko, pero patuloy padin ako sa pag inom ng Duphaston (pampakapit). Normal lang ba yung sumasakit ung puson minsan? Thanks in advance! #AskingAsAMom #Needadvice
Read more