Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 1 troublemaking boy
Cord coil at 38 weeks
Mga mommy paadvice naman po. Sino po dto ang nakexperience ng cord coil ang baby na nakapanganak na? Nainormal nyo po ba? Ano po ginawa nyo para matanggal pagkaka cord coil ni baby? Nakakaworry lang talaga. Bukas pa kase ako makakapagpaultrasound, hindi masyado active movements ni baby. Sabi ng midwife baka daw cord coil si babyđ Thank you po sa makakasagot/makakatulong.
37 WEEKS and 4 days
Mga momsh normal lang ba mayat maya pagtigas ng tiyan, at di gaano active ang movement ni baby? Mabigat na rin bandang puson ko everytime na tatayo and lalakad ako. 37 weeks and 4 days today sept 30.
34 weeks today 09/05
Hi mga mommy. Tanong ko lang po, normal lang ba makaranas ng pananakit ng balakang, bandang ribs tsaka sa may gilid ng tyan @ 34 weeks? 2nd baby ko na to, pero 9 yrs gap sila ng panganay ko. Lahat ng naexperience ko sa pagbubuntis ngayon sa pangalawa diko naexperience noon sa panganay ko. Medyo nakakaparanoid lang kase. Hirap ako sa paghiga, di ako makahinga. Kahit anong posisyon ko ang hirap makatulog đđ sana may makapansin. Thank you
antibiotic
Hi po... sino po nagtetake ng antibiotic na ganito dito? Ask ko lang, 3x a day din ba pag take nyo nito? Mataas daw impeksyon ko sa ihi sabi ng midwife. Thank u po sa makakasagot đ
vitamins
Hi po.. sino po dito umiinom ng gamot katulad ng nasa pic? Yan bigay ng o.b ko, pag tapos ko itake para akong sinisikmura at masusuka. Ganun din po ba side effect sa inyo? Normal lang kaya yon? Anyway, yung isang gamot na walang label, FISH OIL po yan. Thanks you sa magrereply đ