Nadiagnosed ang baby ko na may cystic hygroma nung 12 weeks. Sobrang parang bumaliktad ang mundo ko kasi wala kaming pwedeng gawin walang gamot. Pero naging positibo ako na gagaling ang baby ko. Check up kami lagi kasi nga rare at sensitive ung kalagayan ni baby. Sabi ng doktor nung una na posible na di na matuloy or posible na di mag full term pero nilakasan ko loob ko hanggat nasipa at malikot si baby may pag asa ako. And now 22 weeks and 5 days nag pacheck up uli ako sobrang positive ko naeexcite ako kasi baka malalaman na gender nya bibili na ko ng damit at kung ano ano pa. Tapos makikita sa ultrasound wala na syang heartbeat. Parang gumuho yung mundo ko. Hindi ko alam gagawin ko hindi ko alam kung pano ako babangon 😭 #firstbaby
Read moreMy Orders