Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Momma of Julien Elijah
Flu Vaccine
Required po ba na mag pa flu vaccine 6months old pataas?
What to do??
Ano po kaya magandang gawin jan? Nung una konti lang ngayon ang dami ng butlig sa mukha ng LO ko ? 12days old palang po siya.
Poop ni Baby
Ilang beses po ba ang normal na pag poop ni baby 9days palang po si baby. Bonna po yung milk niya after niya dumede kasunod na non mag popoop siya kaso nung pinalitan ko naman po ng Nestogen milk niya pinaka malakas na yung dalawang beses sa isang araw na pag poop. Tapos ngayon isang beses palang siya nag popoop.
My Little One :) First time Mom
Sobrang worth it ng Pain once na marinig mo na yung iyak ng baby mo. Akala ko talaga ma CS na ko kase dec. 14 EDD ko Dec. 17 na wala padin akong sign ng labor sabi pa ni midwife pag di pa siya lumabas bago mag pasko baka ma CS nako kase overdue na. Kaya kinausap ko talaga siya ng kinausap sa loob ng tummy ko na wala kako kameng pang CS. Awa ng diyos nakinig si LO saken Dec. 18, 2019 at 3:28pm nakalabas na siya via NSD.
40weeks Day 3 Still no sign of Labor (First Baby)
EDD ko is December 14 pero until now wala pa din akong nararamdaman na hilab. Nag text si midwife saken December 12 balik daw ako sakanya. Pag punta ko dun normal na check up lang ginawa saken tapos balik daw ako once na humilab kaso umabot na ng Dec 14 which is my EDD wala padin talaga. Nag aalala nako kase may mga case na pag over due nakaka kaen ng poops si baby sa loob. So nag text nako sa midwife kung ano pwede gawin nag tanong siya sa OB nila and wag daw ako mag worry kase kaka 40weeks ko lang that time pwede pa naman daw hanggang 42weeks kaso iniisip ko padin lagay ni baby sa loob mayat maya naman siya gumagalaw kaya lang di ko talaga maiwasan mag alala. Possible po ba na open na yung cervix kahit walang hilab?
First Baby
EDD ko is December 14. Habang papalapit yung December para kong matatae sa kaba. Any suggestions po pano ko manonormal si Baby ayoko talaga ma CS Huhuhu.