Mamshie Kim profile icon
PlatinumPlatinum

Mamshie Kim, Philippines

Contributor

About Mamshie Kim

Happy Mommy ??

My Orders
Posts(10)
Replies(26)
Articles(0)

Sharing my Birth Story 1st time mom 😇😍

EDD via LMP : dec. 24 EDD via transV: dec. 23 EDD via 2nd and 3rd ultz : dec.26 3.3 kls via normal delivery Jihyon Reileigh H. Hilario DOB : Dec. 26, 2020 Dec. 22 check up day still stock ako sa 2cm sobrang stress na ko mga mamsh dahil lahat na yata ginawa ko na 3 weeks na ko nagtake eveprim 3x a day, pine apple chuckie buscopan lahat yan na try ko na kaso wala stock ako 2 cm mula ng nag 37 weeks ako and also lalo akong na stress ng nirecommend na ng ob ko na for cs na ko dahil wala tlgang progress cervix ko, nakiusap ako na mag antay muna kame after 1 week wc is pumayag naman sya since 1 week after due date is still safe parin daw mga mamsh, iyak ako ng iyak pagdating ng bahay dahil ayoko talaga ma cs at naniniwala akong kaya ko inormal si baby kahit medjo malaki na tlga sya sa 3rd ultra ko 3.4 na sya. Dec. 25 maghapon ako naglakad akyat baba ng hagdan at squat before matulog at kinausap ko ng kinausap baby ko, Dec. 26 ng umaga uminom ako ng nilagang luya since mahilig ako sumubok sa mga nababasa ko for labor. And inaya ko rin lip ko na pumunta lying in at magpa ie. sabe ko sa sarili ko if wala parin progress ipapabiyak ko na tlga tummy ko for my baby's safety tatanggapin ko nlng kahit masama sa loob ko. Nawalan na ko ng pag asa nong sinabe ng midwife na 2 cm parin ako maya maya kinalkal nya ng kinalkal pempem ko 😂 at voila biglang naging 4cm. sabe nya baka kulang lang daw sa ie. tinawagan na nla ob ko at for admission na ko, sobrang tuwa ko mga mamsh feeling ko may himala tlgang nangyari sakin naluluha ako habang sina swabtest ako. 2pm admission kinabitan ng swero at may tinurok silang 3 gamot. after that 7 :30 pm dumating ob ko tinurukan na ko pampahilab sabe nya balik sya 11pm para check ulit ako. pagkaturok ng pagkaturok ng pampahilab sobrang umiba agad pakiramdam ko di ko na alam mga pinag gagawa ko ganon pala mag labor sobrang hirap. diko alam panong posisyon gagawin ko feeling ko mamatay na ata ako sa sobrang sakit tinawag ng lip ko yung midwife to check on me at awang awa na sya sakin sabe ko antagal pa ng 11pm. 9:25 pag ie ng midwife boom ! 10cm na agad ako kaya pala parang pakiramdam ko may lalabas na sa pwerta ko. pinasok nila ko agad sa DR bale tatlo nagpa anak sakin 2 midwife at ob ko 3 ere lang with fundal push baby's out na at 9:43 cord coil 2 loops. sobrang haba ng tahi. pero okay lang maigi nlng tlga at matigas ulo ko di agad ako nagpa cs. sobrang saya ko diko na iniinda yung pagtahi sakin parang wala na kong lakas umaray. panay thank you lang ako kay papa God at di nya ko pinabayaan pati baby ko at syempre sa mga midwife at ob ko. after that diko na alam ngyari nakatulog na ko paggising ko katabi ko na baby botchog ko sobrang sarap sa feeling haha pasensya na napahaba mga mamsh di kase ako marunong magkwento talaga gusto ko lang i share naging exp ko 😅😂#1stimemom #firstbaby

Read more
Sharing my Birth Story
1st time mom 😇😍
undefined profile icon
Write a reply