Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of a beautiful princess — Zin.
Red Dots at the back
Hello mga ma! Long time no post. Ask ko lang po, kung saan saang part po ba lumalabas ang tigdas? Possible din po bang tigdas din ito? Nung Sat po kasi sininat sya tapos may ubo't sipon. Ngayon wala na syang lagnat at sipon, ubo nalang po pero kaninang umaga po nanotice ko na meron na syang pula pula sa likod na wala naman po kagabi. Thanks po and ingat lahat 🫰🏻
Poop
Hi mga mamsh. Ask ko lang po nagtatae kasi si lo ko. Yung poop nya pati hindi ganon kadami pero basa. Ngayon lang kasi ‘to and nakakatatlo na syang poop na basa ngayong araw. Help naman po kung ano ito. Nung nag ipin naman po kasi sya before hindi ganto. Your answer will be appreciated. Thanks in advance.
mamaso
hi mga ma. ask ko lang po ano pwede ilagay sa mamaso? nagkaron po kasi si lo nyan nung Sunday then napisat na at nawala ang tubig. nilagyan ko ng mittens para di kumalat ang mamaso nya since mahilig din sya magsubo ng kamay. kaso po kanina lang umaga nung pinaliguan ko sya, nakita ko nag ganyan na sya compare sa kahapon na okay pa sya. help naman po. bukas pa din kasi kami pupunta ng center dahil walang doctor kanina.
Boobs
Mga mommies. Pano po ba magpapantay ulit ang boobs? May other way pa po ba bukod sa ipadede sakanya yung isa? Breasfeeding po kase ako and yung baby ko is nasanay na sa right lang ng right dumedede. Nadede naman sya sa left pero hindi lagi di tulad ng sa right na laging nadededehan. Ending tuloy mas malaki yung right breast ko kesa sa left. Hindi na talaga sya pantay. Ang laki ng agwat ng size nya. Kahit dun ko na sya sa left pinadedede, dipa rin makahabol yung size. Pahelp naman po. Thanks! ?
Income
Mga mamsh help naman po. ano po ba yung pwedeng pagkakitaan online? gusto ko lang din po makatulong kay hubby at magkaextra income kami para makasave para kay lo. Baka may alam kayo. Thanks po.
Giveaway
Hi mommies saan po nakikita yung mga questions na dapat sagutin to validate my entry? 1st time po sasali ng giveaways na may questions. Thanks :)))
Ngipin
Hi po mga mamsh. Possible po kaya na nag ngingipin na yung 5-mo old na baby ko? nilagnat po kase sya ng 2days tapos lagi nya sinasalat ng dila nya yung gums nya until now. Pasagot naman po. Thanks. Di kase kami makapagpacheck up dahil walang doctor sa center na malapit samin. Pinainom ko lang ng tempra at pinupunasan.
Eye defect
Hi po. ask ko lang po kung may remedy ba ang pagiging banlag? napapansin ko po kase eyes ni lo na hindi nagpapantay kapag lagi ko syang tinitignan aa mata. Thanks po sa help.
red
hi po. nauntog po kase yung baby ko sa crib ngayon lang. di naman po sya malakas pero namula po sya. sa bandang taas ng batok. ano po kaya pwede lagay don? mawawala din po ba yon? thanks po. nagwworry po kase ako.
baby's teeth
Hi mga mamsh! Mga ilang bwan po bago mag ipin ang mga babies? possible po ba na 4mos palang magkaron na? yung baby ko kase di matigil sa kangangatngat. gusto lagi syang may subo subo at laging nilalaro yung dila na parang may sinasalat. Thanks po.