Nica Grace Manalo profile icon
GoldGold

Nica Grace Manalo, Philippines

VIP Member

About Nica Grace Manalo

Mama bear of 3 Lil Prince

My Orders
Posts(9)
Replies(12)
Articles(0)

HYPER FEELING AND BEING EMOTIONAL

Share lang po 3mos after ko makapanganak di ko maexplain nararamdaman ko. Feb 19 2021 nanganak ko. Then Feb 24, 2021 discharged kami sa hospital (Normal) pangatlong baby ko po. After 3weeks ko manganak ako na gumagawa sa mga normal na ginagawa ko nung dipa ako buntis, (linis bahay, luto, bantay ng 2 anak ko age 5 and 7 plus yung newborn ko, laundry ng mga damit namin and ni baby) working din po kasi si Hubby, since malayo both parents namin kaya wala aalalay samin, nakaLeave ako (Maternity Leave) so ayun po, may time na pag nasa work si H and ginagawa ko yung mga gawain sa bahay, bigla ko nafefeel yung parang nagiging hyper katawan ko (parang gusto ko tumalon, umikot ikot, or tumakbo at the same time naiiyak ako na di ko maexplain) nararamdaman ko rin or parang naririnig ko na parang sobrang crowded ng bahay namin kahit 4 lang kami magkakasama ng mga anak ko, tapos parang biglang ang gaan ng likod ng ulo ko, at nararamdaman ko na parang nagmemelt yung mga tuhod ko. Sinabi ko na kay H yung nararamdaman ko kaso di ko malaman kung anu nasa isip nya kasi parang wala lang di nya pinapansin yung sinasabi ko. Minsan naman habang kumakain kami parang nabblanko ako, hawak ko na yung kutsara at gusto ko ng isubo yung pagkain na hawak ko kaso di ko maigalaw kamay ko. Pag ganito ang nararamdaman ko, di ko kinakarga yung newborn ko kasi iniisip ko baka mabitawan ko sya o kaya naman di ko alam mapilayan ko sya ng di ko namamalayan. Sobrang bother ako sa nararamdaman ko po na ganito, minsan gusto umiyak pero di ako makaiyak. Ginagawa ko na lang umuupo ako sa isang sulok at kinakalma ang sarili ko, humihinga ng malalim lalo na kung sumasabay pa ang pagkukulit ng 5 and 7years old ko. Sa ngayub nakabalik na ako sa work, mga 2mos lang ako nagleave dahil di rin kakayanin kung si H lang ang nagwwork lalo na may mga bayarin na dapat bayaran. Madami pa mga pangyayari na nagttrigger saakin para maramdaman ko yung parang nagiging hyper ang katawan ko at sobrang parang loaded masyado ang isip ko. #pleasehelp #advicepls #afterbirth #strugglingmom

Read more
undefined profile icon
Write a reply