Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
30.4 K following
Opportunity lost?
Hi! Share ko lang yung pakiramdam ko ngayon, which is napaka heart breaking in terms of opportunities. Kakapanganak ko lang mag 4months na 😊 before ako manganak may work ako which is pinilit ko talaga asawa ko noong 2021, halos lahat naman tayo dumaan sa financial crisis diba? Nag work ako as Accounting Asst. okay naman, lalo na yung sahod pero syempre dahil gusto ko na sundan yung first born ko, prayers granted naman at super happy and blessed. Pero, hindi ko ineexpect na mas maselan pa pala yung 2nd born ko, nawalan ako ng work kung kailan nag increase na ng sahod. Sabi ko pa naman sa sarili ko kahit hanggang 7 months lang then file na ako ng leave pero 1 month pa lang hindi ko na kinaya nagpasa na ako resignation then, hindi ako nakapag turn over sa office through online lang at pumunta pa rin ako ng office once para maayos yung iba pero tagged as AWOL na ako. Ang sakit lang kasi 1 year and 3 months din yon. Hanggang sa umabot kami na nawalan din ng work yung asawa ko, end of contract as Data Encoder, umasa lang kami sa backpay nya. Nakahanap sya ng work after that pero, saktong Nov 2022, tinanggal sya, shems! Kung kailan manganganak na ako. May ipon naman kami pero hindi sapat repeat CS kasi ako. Hanggang naging callcenter sya, unang sahod nya dispute agad, I mean kulang ganun. Doon na kami lalo nagkabaon-baon, pero eto okay na nakakaahon na kami sa awa ng Diyos 🙏😊 Eto na ang Opportunities lost ko this year... Nag message yung friend ko hiring sila for Office Assoc. Ang laki ng starting salary which is sahod ko bago ako umalis sa trabaho. Pero dahil nga kakapanganak ko lang at iniisip ko yung status ko na AWOL at higit sa lahat wala akong mapag iwanan ng mga anak ko. Hindi ko naman pwedeng dalhin sa side ng asawa ko dahil hindi rin naman sila maaasikaso ng pamilya nya kasi mga busy din, sa side ko naman separated na parents ko, yung Mama ko nasa malayong lugar hays. Kaya ayun tinanggihan ko. Nakakahiya kasi willing talaga pero madaming dahilan para tanggihan. At eto pa, hiring sa company na malapit sa amin at dream company ko din kasi sobrang laki na ng company na yon, unlike before 2017. Hiring sila ng Accounting Assist. syempre hindi ko pa rin pwedeng apply-an kasi nga wala pa ring magbabantay sa mga anak ko. Wala na rin akong pake kung magkano sahod kasi sulit kapag doon nagtrabaho, walking distance na at maganda pa ang management nila. Tas nakita ko sa ibang bansa yung team building nila. Ngayon ko na lang ulit naranasan na parang may napigtal sa puso ko (yung tinatawag nilang heart string legit yon kapag nasaktan ka talaga) hindi man ako sa inggit kasi dream company ko talaga yon, pangalawa sya sa mga banko. Ayun, mahirap kapag wala kang maaasahan mag-alaga ng anak mo. Pero, will din siguro to ni Lord na alagaan ko ng mabuti ang mga anak ko 😊❤️ sinasabi ko na lang lagi sa sarili ko, may ibang plano si Lord sa akin. Sorry ang haba ng kwento ko.
Pag-aalaga sa iba
Naranasan kong magpaalaga ng anak sa iba, hindi naman totally sa ibang tao, kundi pamilya ng asawa ko. Kailangan kong magwork, dahil gusto ko talaga at para na din makatulong, kaya ang ginawa naming mag-asawa lumipat kami sa kanila para may magbantay ng anak namin at malapit din sa work ko. Pero, isang gabi sabay kami umuwi ng asawa ko. Nagulat na lang kami ng makita yung anak namin na ang laki ng sugat sa braso, ang haba. Nagpanic kaming pareho dahil sa nangyare, hindi man lang nila kami sinabihan nung nangyare yon, talagang pinaabot pa nilang makauwi kami. Natatakot sila sa amin, isipin mo napaso yung anak ko sa PLANTSA! Mag 2 years old pa lang yung first born ko non, kasagsagan ng kakulitan at kuryosidad sa mga bagay. Ang siste, yung byenan ko yung nagplantsa ng uniform nya, at hindi ko alam kung paano umabot yung anak ko which is mga kapatid ng asawa ko yung nagbabantay sa anak ko. Hindi ko sila mamura kasi hindi ko naman sila kamag-anak, ingat na ingat ako sa anak pero napabayaan nila. Oo, kasalanan ko din kasi mas pinili kong magtrabaho kaysa alagaan yung anak ko. Hindi rin naman sila tumulong sa gastusin sa pangpagamot.
End of Maternity Leave. Need ba mag resign pag walang helper? Maiiwan sya sa senior na parents ko
#Endofmaternityleave #noyaya #maternityleave
7months preggy
Hello po sino po dito 7months pregnant pag lumalakad parang me mahuhulog sa butas ng pwerta :(
First time mom 4byears old baby
Mga mamsh ask lang sana ako okay lang ba mkaamoy ng efficascent oil si baby at 4 years old? Ngmasahe kase nanay k sa room nmin apt andyan din yung baby ko 🥺#advicepls #pleasehelp #firsttimemom
Black watery stool, 4 months old baby
Hello mommies, sino Po Dito Ang naka experience na Ang stool ni baby is black and watery? Sana po may makasagot. #blackstool
Face Serum
Bioten Serum Is this okay po for breastfeeding mom? Salamat po.
Anu pwde Gawin sa 3 months na baby na di pa naka pag poops pure breast feed Po si baby.
Na massage ko na Po tummy ni baby tapus na try ko na Po bicycle massage tsaka I love you massage.? Sana Po matulongan nyo Po Ako. Salamat ❤️
Hello po 1st time mom po
Ayaw na talaga ng baby ko ng bottle feed umiiyak cya pinipilit namin painom kc kulang talaga ako sa gatas kawawa ang baby peru alam nya na bottle umiiyak cya parang hndi sa gatas problema nya. May ma suggest ba kau na magandang bottle for baby na malambot
Gamot po ng baby acne?
Okay lang po ba na paliguan araw2x ang baby?