
Meron din ba ditong same case sa akin? Yung anak ko kasi isa 18months palang and may UTI sya na sobrang taas. Over 100 yung result sa kanya 😭 Hindi ko alam kung saan nagmula, kasi hindi naman palakain ng chichirya anak ko saka hindi na sya madalas magdiaper pero tinamaan pa din sya. Akala ko talaga sa init lang kung bakit sya mahina umihi siguro masakit sa kanya pag naihi kaya nagpipigil sya. Ang hirap din kapag hindi masyado maindahin ang anak mo. Hindi mo alam na may masakit na pala lalo at hindi pa nagsasalita. Ngayon iaadmit sana sya kaso lang full na yung hospital sa amin kaya niresetahan nalang sya muna ng antibiotic, sana tumalab sa kanya. #Toddler #uti
Read more






1 yr 7 months na ang baby ko. Pero grabe mag dede sakin. ebf po ako. Parang every 30 mins gusto magdede. Matakaw naman sya kumain. Minsan naiirita na din ako. Pati sa gabi, from 8pm - 8 am , hindi diretso tulog nya. Magdedede pa din ng mga 5-6 beses sa buong gabi. Okay lang po ba yun mga mommies? #toddler #dede #firsttimemom #baby #dede
Read more