


Lumabas na baby girl ko. Duedate: September 7 Date of birth: September 1 Sa wakas nakaraos n din! Sobrang hirap tlga manganak. Thank you Lord at safe kmi ng baby ko. Share ko lng experience ko dito sa 2nd baby. Unlike sa unang panganganak ko mas madali ko nlabas utong baby girl ko. Mga bandang umaga ng August 31, nilabasan n ako ng dugo. Pero wala pa masakit sakin khit ano. Nagprepare lng ako ng mga gamit nmin. Bandang hapon naligo ako at may dugo at parang sipon n nlabas habang naliligo ako. Still wala pa ring masakit. Bandang mga 10 nararamdan kung sumisiksik n cya sa pwerta ko.. pero wala pa din hilab.. nakatulog p pla ako ng mga bandang tanghali niyan.. Nung nag 10 n ng gabi may mild contraction na..pero di consistent.. pero di n ako makatulog. Hanggang ng mag 2am na pumunta n ako birthing at humihilab na cya. At sobrang sakit na.. pagdating dun 2cm plang. Kaya pinpabalik ako ng 6am. Bumalik din ako ng 4am kc di ko na tlga kaya ang sakit at panay panay na rin.. pahdating ko sa center sa labas plng pumutok n panubigan ko... Pag dating sa loob..ing ie na ako. Dapat ospital pko mangank kaso di n daw pwede magbyahe at nasa bungad na .kaya pinaanak na nila ako dun. Wala pang 5minutes.. baby out na..Thank you Lord at mabilis lang ako nag iire sa birthing.. pero tlagang grabe din tlaga ang labor...sa bahay palang nagtutuwad na ako sa sakit... At wala pala akong hiwa at tahi dito..kaya ang bilis lalo ng recovery ko.. Di ko din alam pano ko nakaya tong walang tahi kasi sa first baby ko.. hanggang pwet ang tahi ko... At sobrang tagal ng labor ko... Pero still parehas masakit pag nagsimula na tlga ang labor... Sana lahat ng buntis makaraos na din at maging safe lahat ng delivery niyo.. Share your experience naman dito mga mamshie😊 #pregnancy #teamseptember
Read more



