



Hi guys. Respect post po. I have a lolo na smoker and gusto niya palagi buhatin si baby (1month and 23 days) kaso takot ako mag sabi ng "no" talaga. Minsan na b bother ako kasi umuubo pa siya while binubuhat niya si baby Pero bago niya buhatin si baby nagbibihis siya at nag aalcohol. Hindi parin ako kampante sa ganiyan. Kung patuloy na ganito ano kaya effect kay baby? May mga same ba dito na nangyari? Ano ginawa niyo maliban sa pinagsabihan yung person? Or kung ano ba naging effect sainyong baby sa ganito? #askmommies #firsttimemom
Read more

Mga mommy, i need your help and advices! Bali kasi itong si LO ay nagkasipon noong newborn siya, nahawa rin kasi siya sakin na may ubo at sipon noong September. Si baby ay nagkasipon non pero hinigop at tinayaga ko sa salinase drop 3x a day tapos nawala rin naman, wala ring tunog plema kapag hihinga or umiiyak si baby. Ngayon naman, wala naman akong sakit pero si baby nagkaubo. Siguro dahil na rin ito sa panahon ngayon kahit hindi naman naeexpose si baby. Hindi ko alam gagawin sa ubo niya. Hindi rin makapunta sa pedia dahil malayo at kung sa hospital naman umaabot ng hapon o pacut-off ang hospital noong huling punta namin tapos ang layo pa ng number line kahit maaga nakapunta. Ulan pa ng ulan ngayon. Kaya sana kahit yung advices ninyo para sa may Ubo. Bali si baby ay hindi naman madalas ubuhin. Normal lang masamid dahil ang dami niyang nadede sa sus0 ko. Pag gising ni baby madalas ay umuubo siya dalawa o tatlo tapos mamaya ulit mga pagabi na. Salamat sa help ninyo at kung sesermunan nyo man ako ay gets ko. #firstTime_mom #littleone
Read more

